IPINAGMALAKI ng Office of the Press Secretary (OPS) na “doing very well” ang performance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y base sa survey na nagsasabing 68% ng mga Pinoy ang naniniwalang magiging well o very well ang performance rating ng Pangulo sa kanyang 1st 100 days.
Ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles, maaaring hindi agad pansin kung ano ang istilo ng trabaho ng Presidente subalit ito aniya’y deliberative, science-based at very professional.
Bukod dito, sabi ng Kalihim ay systematic din magtrabaho si Pangulong Marcos habang inaalam din nitong mabuti ang plano ng bawat departamento kasama na ang assessment ng mga ito.
Giit pa ni Cruz-Angeles na tinitiyak ni Pangulong Marcos na ang mga nakalatag na plano ng bawat kagawaran ay sadyang makatutugon sa kung ano ang kailangan sa hinaharap at lalapat sa agenda ng Marcos Administration. (CHRISTIAN DALE)
246 