ISINAGAWA ng Manila Police District Press Corps ang simpleng oath taking ceremony ng kanilang mga opisyal sa Lido De Paris Hotel sa Ongpin St., Sta. Cruz, Manila.
Mismong kay Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo nanumpa ang mga opisyal ng MPD Press Corps.
Makaraan ang panunumpa, nagbigay ng maigsing mensahe si Secretary Tulfo at ipinayo sa mga miyembro na makipagtulungan at sundin kung ano ang mandato ng bagong pangulo ng organisasyon na si Edd Gumban ng Philippine Star, na humalili sa namayapang si Francis “Kiko” Naguit na namatay noong Disyembre 2021.
Kabilang sa mga nanumpang MPDPC officials ay sina Vice President Jonas Sulit ng Abante; Secretary Gina Mape ng DWWW; Treasurer Jonjon Reyes ng People’s Tonight; Auditor Crismon Heramis ng Remate, at mga director na sina Jocelyn Domenden ng Remate Online; Richard Reyes ng Daily Inquirer; Norman Araga ng Manila Standard; Justine Punzalang ng TV5; Miguel Antonio De Guzman ng Phil. Star; Mike Alquinto ng Manila Times, at Morries Heramis ng ABS-CBN.
Dumalo rin sa nasabing seremonya sina DSWD Usec. Jerico Javier at Asec. Rommel Lopez, gayundin ang mga opisyales ng National Press Club (NPC) na sina Lydia Bueno, pangulo; Paul Gutierrez, secretary; Benedict Abaygar, at Magz Dominguez, kapwa Director ng NPC. (RENE CRISOSTOMO)
252
