DIRECT SELLING

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO

ANG direct selling business ay hanapbuhay ng karamihan na ang tawag sa kanilang sarili ay madiskarte, minsan nga wala kang inilalabas na puhunan basta may buyer o marami kang kakilala at maipakilala mo nang maayos ang binebenta mo ay magagawa mo nang kumita.

Maraming tao ang involve, sabi ng iba ginagawa lang daw ito ng mga walang mahanap na trabaho, pero para sa mga sanay sa ganitong klase ng negosyo, ginagawa ito ng mga taong may abilidad at may pangarap.

Sabi ko naman, bakit ‘di na lang gawin ito nang sabay, ­naalala ko noong ako pa ay nagtuturo sa college, palibhasa maagang nakapag-asawa, nagkaroon ng mga anak, kinakapos lagi, tuwing pagdating ng sahod.

Bilang isang tatay, nahihiya ako lalo na kung hihiramin ko sa mga kakilala ko ang pambili ng gatas o ‘di kaya ay para sa basic needs kaya ‘di ako nagdalawang isip, nang sumunod na sahod ko ay bumili ako bike na may sidecar.

Ang ginawa ko, kapag panghapon ang pasok ko sa trabaho ay bumibili ako ng mga kalakal sa palengke (mangga, bibingka, mais at iba pa) at binebenta ko
sa bahay-bahay.

‘Pag pang umaga naman ako sa schedule sa pagtuturo, sa hapon ay tumutuloy ako sa mga direct selling company at pag-uwi ng hapon ay bitbit ko na mga paninda ko.

Maraming tao ang pinagtawanan ako, ika nila, may pinag-­aralan daw ako, bakit nagtitinda ako, pero para sa akin, lahat gagawin ko para sa aking pamilya dahil isa lang ang kinatakutan ko, ang magutuman ang mga anak ko.

Kesa manghiram ako ng pambili ko ng gatas, nagtitinda na lang ako sa panahon na bakante ako, kung nakakahiya ang ginagawa ko ay mas mahihiya ako na ang basic needs ko tulad ng bigas, ay uutangin ko.

Ang ibig kong sabihin, ang direct selling na ito ay napakaganda at malaking tulong ito lalo sa katulad ko noon na kailangan ng extra income para maitaguyod ang pamumuhay namin.

Taong 1920 nang mag-evolve ito sa America, at taong 1970 nang mag-evolve ito sa Pilipinas at napakarami nang tao na ang iba ay iniwan ang trabaho para dito.

Bakit nga naman mas ­masipag, mas malaki ang kita?

Sabi naman ng iba, mas ­maraming oras ang naibibigay para sa pamilya, isa na itong industriya, at sa katotohanan ay mayroon nang ahensya na ­nagre-regulate dito.

Ang mga taong involve rito ngayon ay proud na proud na ipagsigawan na kami ay nasa direct selling industry, na ­nabago ang buhay namin dahil sa ­hanapbuhay na ito.

Sa paglipas ng panahon, lahat ay nagbabago, lahat ay nag-a-upgrade ika nga at ang direct selling na noon ay kailangan mo pang maglakad para magpunta sa mga kakilala, ngayon dahil sa teknolohiya ay napakadali na.

Ang maganda rito, kahit nasa bahay ka lang ay nagagawa mong makabenta at kumita, marami na rin ang nagkaroon ng sariling bahay dahil dito.

Sadyang ganoon naman sa lahat, may mga malaki ang kita, may mga maliit ang kita, depende pa rin sa diskarte, sabi nga nila, ‘just know the game and play better than anyone’.

Lahat naman kami nag-o-online, lahat naman kami nagpe-Facebook, pero bakit sila maraming benta, bakit ‘yong iba konti lang?

Direct selling industry people helping people (ang tao kuha ng paninda, benta niya sa kakilala, kita na) ang linaw-linaw niyan. Pero bakit ngayon, ang direct selling ay naging puro online na, mukhang si apps na lang ang kumikita?

Marami na kasi ngayon ang may sariling sistema at ‘yong mga may kakayanan ang lagi na lang nauuna, determinasyon, sipag at tamang pag-aaral.

Kailangang may gawin para makasabay sa mga ito dahil kung ang direct selling sa offline ay napakaganda, mas lalo kang masisiyahan sa online direct selling.

Pero tandaan na kailangan mo pa rin mag-build ng users, iba pa rin ang may build group RAVING FAN, napakahalaga niyan, ang pagbuo ng isang team community users… so dapat ‘di ka lang pala nag-online, dapat sinasabayan mo rin ito.

Ang pagbuo ng sarili mong team ay parang sa mainstream market lang ‘yan, maraming ads sa tv at online pero ‘di sila nagbebenta sa online… ads lang, pagsamahin natin ‘yang si online at si offline.

Ano ba talaga ang tinatawagan na digital ecommerce platform… lalaliman natin ‘yan, abangan…

191

Related posts

Leave a Comment