HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa local leaders na pagbutihin pa ang kanilang pagtupad at pagganap sa tungkulin sa pamamagitan ng pag-adopt sa pinakabagong technology trends at gumamit ng bagong approach.
Sa mass oath-taking ng mga bagong halal na opisyal at directorate members ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Malacañan Palace, sinabi ni Pangulong Marcos sa mga alkalde na “there is always room for growth and opportunities.”
“In seeking and employing the best solutions for our people, let us be open to all the latest innovations, new ideas, and fresh perspectives,” ayon kay Pangulong Marcos, base sa maikling video clip na in-upload ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa official Facebook page nito, Biyernes ng gabi.
Pinayuhan din ni Pangulong Marcos ang local chief executives na i-welcome ang partnerships sa private sector upang makamit ang hinahangad ng pamahalaan na ‘infrastructure development at digital transformation.’
Pinaalalahanan din niya ang mga ito sa kanilang tungkulin at gampanin bilang “just and morally upright leaders” na naglalayong bigyan ng kumportableng buhay ang kanilang constituents.
“Let us include private partnerships to maximize the service that we give to the people. Let us use that to implement critical projects in each locality, especially those related to infrastructure and digitalization,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Tiniyak din ng Pangulo sa local leaders ang suporta ng national government’ sa gitna ng kanilang paghahanda para sa implementasyon ng “full transfer of responsibilities” sa local government units (LGUs).
Aniya, ang probisyon ng Local Government Support Fund – Growth Equity Fund (LGSF-GEF) ay nagbibigay katiyakan na “no LGUs have been left behind” sa implementasyon ng “full devolution of functions.”
Sa ulat, tinatayang 430 LGUs ang makikinabang sa LGSF-GEF Program. Ang nasabing 430 LGUs ay kinabibilangan ng tatlong lalawigan, 7 lungsod, 150 munisipalidad at 270 barangay mula 2022 hanggang 2023.
Ang LGSF-GEF ay maaaring gamitin para sa implementasyon ng infrastructure projects ng LGUs gaya ng “roads, evacuation centers, o water systems, o non-infrastructure projects, gaya ng financial aid o medical assistance.”
Matatandaang noong Setyembre 14, sinabihan ni Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang 430 beneficiary LGUs na gamitin ang P1.25-billion support fund para makatulong sa kanilang pagtugon sa kanilang constituents. (CHRISTIAN DALE)
308 