UMAKYAT ang Gilas Pilipinas sa pinakabagong FIBA World rankings matapos ang matagumpay na kampanya sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Mula sa ika-41 ay bahagyang umangat ang nationals sa pang-40 sa FIBA rankings.
Matatandaang tinalo ng Gilas ang Jordan (74-66) at Saudi Arabia (76-63) para walisin ang kanilang road games sa fifth window.
At sa 5-3 panalo-talong record sa Group E, ang Gilas ay itinuturing ngayong ikawalo sa pinakamalakas na koponan sa Asya.
Samantala, Pilipinas ang magho-host sa sixth window ng Asian qualifiers sa Pebrero 2023, kung kailan makakaharap ng nationals ang Lebanon at Jordan sa Philippine Arena. (ANN ENCARNACION)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)