POSEIDON KAMPEON SA BIAZON SWIM CUP

NAKOPO ng Poseidon Swimming Team ang overall championship sa katatapos na 1st Ruffy Biazon Swim Cup sa bagong gawang Olympic-sized indoor Muntinlupa Aquatic Center sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Nasungkit ng Poseidon ang kabuuang 320 puntos mula sa pinagsamang kampanya sa Class A hanggang D laban sa mahigpit na karibal na Eastern Aquatics Swimming Team at Dax Swim Squad.

Pumuwesto sa top 7 ang ­Sharpeedo Swim Team, Pasig Rave Barracudas Swim Team, De La Salle University Dasmariñas at Bosay Resort Aquatic Club.

Pinangasiwaan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon kasama sina Swim League Philippines (SLP) president Fred Ancheta at Executive Director Philbert Papa ang pagbibigay ng mga medalya, sertipiko at tropeo sa mga nagwaging swimmers at participants sa torneo na isinagawa kasabay sa inagurasyon ng modernong Aquatics Center at pagdiriwang sa ika-105 taon ng Muntinlupa City.

“Masayang-masaya kami at nakapaghost ang Muntinlupa City ng isang organisadong torneo sa tulong ng isang organisadong asosasyong SLP. Umaasa kami na masisimulan nito ang matagal nang hangarin ng Pamahalaang Panlungsod na maisulong ang katatagan sa kabuhayan at ­maging sentro ng sports ang Muntinlupa,” pahayag ni Biazon.

Hinikayat din ng alkalde ang mga hindi nakasali sa torneo, na sinalihan ng mahigit 1,000 participants, na lumahok sa Holiday Swim sa Sabado (Dec. 10). (DENNIS IÑIGO)

206

Related posts

Leave a Comment