TRIKE SINALPOK NG TRUCK, 1 PATAY

QUEZON – Patay ang isang tricycle driver makaraang salpukin ng isang truck sa Maharlika highway sa Brgy. Pinagbayanan, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang biktimang si Romeo Bonsol, 42-anyos, dahil sa mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Pagbilao Police, nasalpok ng truck ng gulay ang kasalubong na tricycle matapos na mag-overtake sa isa pang sasakyan dakong alas-7:00 ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Pagbilao Police ang driver ng truck na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (NILOU DEL CARMEN)

255

Related posts

Leave a Comment