(Ni LILIBETH JULIAN)
Hindi nabasa ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison ang nilala-man ng kasunduang nalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin sa oil explora-tion sa South China Sea.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, kasabay ng reaksyon na tinawanan lamang ng Palasyo si Sison nang sabihin nitong isang pagtataksil sa bayan o Treason ang ginawang paglagda ng Pilipinas at China.
“Walang anumang nilalamang negatibo o maaaring maituring na pagtataksil sa bayan ang kasun-duan,” paglilinaw ni Panelo.
Iginiit ni Panelo na sa katunayan ay may ilang taga-oposisyon ang nagpahayag ng pagsang ayon sa kaaunduan.
Nilanaw din ni Panelo na ang nilagdaan ay kasunduan lamang para mag-agree sa isang bagay at ito ay isang framework pa lamang.
Matatandaan na kahit si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ay walang nakiki-tang masama sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China gayong si Carpio ay kilalang sumasa-lungat sa mga hakbang ng Administrasyon sa pagharap sa territorial dispute sa South China Sea.
201