KOREAN RESTAURANT NILOOBAN NG 2 KALALAKIHAN

CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang dalawang kalalakihan makaraang looban ang isang Korean barbecue restaurant at tinangay ang cash at gadgets sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pumasok sa Wagyuniku Sangyup, sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Armando Perez ng Bacoor City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang matuklsan ni Michelle Anne Ann Marinas Gonzales ang nawawalang cellphone (P10,000), isang tablet, isang laptop at P28,000 cash mula sa cash register, pagbukas nito sa nasabing restaurant.

Kasalukuyan pang inaalam kung magkano ang kabuuang halaga ng tinangay na gadgets.

(SIGFRED ADSUARA)

154

Related posts

Leave a Comment