TARGET ng Japanese government na mahanap at maibalik na sa bansang Hapon ang 300,000 sundalong Hapones na namatay noong World War II at nanatiling nasa Pilipinas.
Tiniyak naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na susuportahan at tutulong ang kanilang kagawaran sa pagpapauwi sa labi ng libo-libong Japanese soldiers na nalibing sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng pagpupulong sa pagitan ng DILG at ilang Japanese officials kasabay ng pagtiyak ng kanilang kooperasyon sa repatriation efforts.
Nakaharap ni SILG Abalos sa nasabing pagpupulong sina Counsellor and Health Attaché Hori Kazuichiro at Second Secretary Matsushige Tomoaki mula sa Embassy of Japan in the Philippines; Director Sato Hiroshi and Deputy Director Furukawa Kazuchika mula MHLW of Japan; DFA Deputy Assistant Secretary Raphael SC. Hermoso at Principal Assistant Maghie Lacaba.
(JESSE KABEL RUIZ)
