PH INFLATION NITONG HUNYO NAITALA SA 5.4%

BUMAGAL pa ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo.

Sa katunayan, nakapagtala ito ng lowest rate sa loob ng 15 buwan.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang headline inflation ay bumagal ng 5.4% noong Hunyo mula sa 6.1% noong Mayo, lowest rate na naitala simula 4.9% noong Abril 2022.

Noong Hunyo ng nakaraang taon, pumalo ang inflation sa 6.1%.

Ang Core inflation, hindi kasama ang pabago-bagong presyo ng langis at food items ay bumaba rin sa 7.4% mula sa 7.7% noong Mayo.

Samantala, ang year-to-date headline inflation ay pumalo naman sa 7.2%.

Ang mabilis na annual decrease sa transportasyon ay -3.1% sa panahon ng mga buwan na gaya na lamang ng -0.5% noong May 2023 na nakapag-ambag sa downtrend ng overall inflation.

Sinabi ni Mapa na ang pabahay, tubig elektrisidad, gas at iba pang fuels ay “third main source of deceleration of the headline inflation in June 2023 with a 5.6 percent annual growth rate from 6.5 percent in May 2023.”

Ang Inflation sa National Capital Region (NCR) ay bumagal din sa 5.6% mula sa 6.5% noong Mayo.

Sa mga lugar na nasa labas ng NCR, ang inflation ay naging panatag sa 5.3% mula sa 6% sa mga nakalipas na buwan. (CHRISTIAN DALE)

226

Related posts

Leave a Comment