KORUP TALAMAK SA MARCOS ADMIN

(BERNARD TAGUINOD)

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil mistulang nagiging normal at kalakaran na ang katiwalian sa gobyerno.

Sa isang talumpati ni Magalong, nagbabala ito na lalong mababaon sa utang ang bansa dahil mangilan-ngilan lang sa Kongreso ang nagsasalita ukol sa financial leakage na kapag hindi naresolba ay hindi mababayaran ang P13.86 trillion na utang ngayon ng bansa.

Bago aniya naging pangulo si Rodrigo Duterte ay P5.7 trillion lamang ang utang ng Pilipinas subalit pag-alis nito ay umabot na sa P13.86 trillion kaya bawat Pilipino, kasama na ang mga bagong panganak ay may utang agad na P113,000 bawat isa at hindi ito mababayaran kung hindi masugpo ang katiwalian.

“According to Cartua, our ability to pay our debt would depend on our ability to manage our financial leakages. And so I asked, ano ba yung financial leakage? And no less than the former Secretary of NEDA said, ang financial leakage na sinasabi ko, a big chunk of that goes to corruption,” ani Magalong.

Nang lumabas aniya ang balita na umabot na sa P13.87 trillion ang utang ng Pilipinas tahimik ang halos lahat ng miyembro ng Kongreso.

Wala ring interes ang local executives na pag-usapan kung papaano tatapusin ang katiwalian bagay na lalong ikinalungkot ng dating opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ikinuwento nito na inimbitahan siya ng Civil Service Commission (CSC) at Department of Interior and Local Government (DILG) para magsalita sa harap ng bagong halal na local executives subalit nang talakayin na nito ang isyu sa katiwalian sa gobyerno ay hindi nagpakita ng interes ang mga ito.

“I start talking about traditional politics. I start talking about corruption. It is a direct correlation with poverty. And when I start doing that, they also start looking at their cellphones. Are we not going to ask ourselves, is corruption now becoming a norm in government?,” tanong ni Magalong.

“It is very saddening that they have a percentage in every project. They have not yet become tired. They already have a percentage. They are still the contractor. They are still the supplier.

Unfortunately, only a few people raise this issue,” malungkot na pahayag pa ng alkalde.

Sinabi rin ni Magalong na handa ang mga miyembro ng PNP na mag-contribute para sa kanilang pensyon para maresolba ang usapin sa pension ng Military and Uniformed Personnel (MUP) subalit wala sa Kongreso ang gustong bawasan man lang ang kanilang pork barrel.

“Pero nakakalungkot. Nothing have we heard from our legislators that they are willing to give up their pork barrels. Kahit manlang sana sabihin nila na bawasan niyo yung pork barrel,” dagdag pa ng alkalde na naniniwalang may pork barrel pa rin ang mga mambabatas subalit hindi nila ito inaamin sa publiko.

Gayunpaman, walang sinoman sa Kongreso ang gustong isakripisyo ang kanilang pork barrel para mabawasan ang problema ng bansa sa pananalapi.

“Tayo, in the uniformed service, both from the Armed Forces and from the Philippine National Police, we risk our life. We risk quality time with our family. And we are willing to give up a small amount of our pension just to help the national government. Just to address this huge deficit. Just to address this big national debt,” ayon pa kay Magalong.

“Hintayin natin kung anong sasabihin ng ating mga magigiting na legislators. Hintayin natin silang magsalita. Hopefully, one of them will come out in the open and tell us it is about time that legislators should also give a big contribution to address national government issues, especially on our financial debt,” dagdag pa nito.

292

Related posts

Leave a Comment