NITO lamang Lunes, napagdesisyunan ng Pilipinas at Thailand na laliman pa ang military relations ng dalawang bansa ‘within the context of bilateral security collaborations’.
Determinado ang Pilipinas at Thailand na kumpletuhin ang mga kailangang ‘arrangement’ upang mabuhay muli ang long-standing defense relations ng dalawang bansa, pahayag ni Department of National Defense (DND) Spokesman Arsenio Andolong mula sa fourth iteration ng Joint Committee on Military Cooperation (JCMC) meeting sa Bangkok noong June 27.
Ayon kay Spokesman Andolong, nag-reaffirm ng commitment na iimplementa ng dalawang co-chairmen na sina Assistant Secretary for Strategic Assessments and International Affairs Pablo Lorenzo at Thai Deputy Permanent Secretary for Defense of the Ministry of Defense General Nuchit Sribunsong, ang 1997 Thailand Memorandum of Understanding sa Military Cooperation at diniin ang importansya ng taunang pagsasagawa ng JCMC meeting.
Maraming napag-usapan ang dalawang chairman, mula sa development ng regions, challenges at potential cooperation sa cybersecurity hanggang sa importansya ng pagpapabuti ng kapabilidad ng maritime security ng dalawang bansa.
Dagdag pa ng spokesman, sa bilateral defense cooperation, ang dalawang panig ay hinihikayat na diinan pa ang military relations sa pamamagitan ng patuloy na pagsagawa ng service-to-service dialogue mechanisms at pag-explore ng partnerships sa maritime security, cybersecurity, military medicine, humanitarian assistance at disaster relief, at defense industry.
Sa multilateral cooperation naman, parehong kinikilala ng dalawang bansa ang importansya ng Association of Southeast Asian Nations bilang stabilizing mechanism at central platform sa pagsusulong ng kapayapaan at stability ng rehiyon.
Masasalamin dito na paunti-unting nakakamit ang layunin ni kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na magkaroon ng mga partnership at cooperation sa mga karatig bansa sa iba’t ibang aspeto lalo na sa lakas-militar.
Dahil sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa, unti-unting naglalaho ang neutral stance ng Pilipinas sa foreign affairs.
Ito ay dahil unti-unti nang naghahanap ng potensyal na kakampi ang bansa sakaling magkaroon ng gulo sa world stage.
Paghahanda na kaya ito ng Pilipinas sakaling tumindi ang namumuong tensiyon sa pagitan ng US at China?
