SA pinakahuling PAHAYAG 2023-Q2, na pinamahalaan ng PuBLiCUS Asia Inc. at isinagawa sa pagitan ng nakaraang Hunyo 7 hanggang 12, 2023, inalam ang sentimyento at nagugustuhan ng mga Filipino consumer sa hanay ng iba’t ibang lokal na produkto.
Lumalabas na sa 31 Filipino restaurant at fast food chain brands, ang Jollibee ang nanguna sa nakuha nitong 74% rating, kasunod ang Mang Inasal (31%) at Chowking (20%).
Pareho namang nakakuha ng tig-13% ang Chooks-to-Go at Red Ribbon, na sinusundan ng Goldilocks at Greenwich, na pareho ring mayroong 10% endearment ratings, at sila’y sinundan ng Shakey’s Pizza (8%) at Mister Donut (4%).
Tinukoy din sa PAHAYAG 2023-Q2 Survey ang Purefoods bilang ‘most endeared food brand” na mayroong 40% rating, pangalawa ang Datu-Puti (25%), nasa pangatlo ang Century Tuna at Selecta, sa parehong 23% endearment scores.
Kasunod nito ang Magnolia (17%), San Miguel Beer (15%), CDO Meat Products (14%), San Marino (7%) at Tanduay (4%).
Pagdating naman sa local health and personal care category, top 1 ang Mercury Drug (67%), sumunod ang Watson (51%) at UNILAB (27%), habang ang Bench Body, ay mayroong 8% endearment score.
Sa telecommunications services category, naungusan ng Globe, sa nakuha nitong 65% rating, ang PLDT/Smart, na mayroong 61% endearment score, habang ang DITO, na siyang new player sa local telecoms sector ay mayroong 16% rating.
Samantala, ang PAHAYAG 2023-Q2 Survey ay isang nationwide purposive survey na mayroong 1,500 respondents, na randomly drawn mula sa market research panel ong mahigit sa 200,000 Filipinos na mini-maintain ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace.
337 