BRGY. CHAIRMAN TIKLO SA GUNRUNNING

LAGUNA – Arestado ang isang barangay chairman dahil sa ilegal na pagbebenta ng baril sa bayan ng sa Nagcarlan sa lalawigang ito, ayon sa mga awtoridad noong Lunes.

Kinilala ni Laguna PNP Provincial Director, Police Colonel Harold Depositar ang suspek sa alyas “Renato”, residente ng Nagcarlan, Laguna.

Natimbog ang suspek sa isinagawang gun buy-bust operation ng mga tauhan ng Nagcarlan Police at CIDG Batangas, sa kanyang bahay sa isang barangay sa Nagcarlan.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang .45 kalibreng baril, mga bala at magazine.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Batangas ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

(NILOU DEL CARMEN)

149

Related posts

Leave a Comment