DRIVING SCHOOLS NA MAY INVALID DOCS NAKAKUHA NG PERMIT SA LTO

(CHRISTIAN DALE)

PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang ilang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) para sa pagpapalabas ng permit o sertipiko ng accreditation o akreditasyon para sa driving schools noong nakaraang taon kahit pa ang mga isinumiteng dokumento ay invalid o incomplete.

Sa pinakabagong audit report para sa Department of Transportation (DOTr), sinabi ng COA na ang 189 o 66.32% ng 285 driving school applicants ay inaprubahan sa kabila ng kulang sa requirements.

Ang mga ito ay inaprubahan ng DOTr-Cordillera Administrative Region, tanggapan ng LTO sa National Capital Region, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen regions.

Maliban sa kulang sa documentary requirements, sinabi ng COA na ang mga aplikante ay walang “proper facilities at equipment” para makapagbigay ng driving lessons.

“The laxity in the review and evaluation of the documentary requirements and on the conduct of site inspections by the RAC (regional accreditation committee) defeats the objectives for which these minimum requirements were imposed,” ayon kay COA sa audit report, in-upload sa kanilang website noong Hulyo 13.

Ang LTO offices ay required na atasan ang driving school applicants na magsumite ng tamang dokumento para sa akreditasyon.

Pinayuhan din ng COA ang LTO na maging istrikto sa pagsasagawa ng site inspections sa mga classrooms, maneuvering sites, at iba pang pasilidad bago magpalabas ng permit.

Kinilala naman ng LTO regional offices ang obserbasyon ng COA at sinang-ayunan ang rekomendasyon nito.

194

Related posts

Leave a Comment