ARESTADO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang tatlong umano’y mga palsipikador ng mga dokumento, sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo, Manila noong Miyerkoles ng gabi.
Unang isinilbi ang warrant of arrest sa isang Kino Hero, 30, ng Barangay 227, Zone 21, Tondo, na inaresto dakong alas-6:50 ng gabi
Sa F. Yuseco St. at Dagupan Extension sa Barangay 155 sa Tondo.
Pangalawang nadakip ang suspek na si Renz Makuha, 20, ng Barangay 182, Tondo, nang mamataan ito dakong alas-7:30 ng gabi sa Tayuman St. malapit sa Katamanan St. sa Barangay 222 sa Tondo.
Arestado rin ang suspek na si Jo-An Vicente, 42, residente ng Barangay 227, Tondo, na binitbit ng mga awtoridad sa panulukan ng Tayuman at Antonio Rivera Streets sakop ng Barangay 222, sa Tondo, bandang alas-7:50 ng gabi.
(RENE CRISOSTOMO)
