2 HVIs LAGLAG SA DRUG BUST

CAVITE – Tinatayang P172,500 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos na maaresto ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City nitong Huwebes ng umaga.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ng mga suspek na sina Mark Vincent Constantino, at Ma. Lolita Gardon, kapwa nasa hustong edad, ng Brgy. Zapote 5, Bacoor City.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Ais ng Bacoor City Police, dakong alas-5:15 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police, sa Miape, Brgy. Zapote 5, Bacoor City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P172,500, buy-bust money at cellphone.

(SIGFRED ADSUARA)

163

Related posts

Leave a Comment