ABOT-KAYANG LIVER TRANSPLANT HIRIT NI REP. TULFO SA DOH

NANAWAGAN nitong Miyerkoles si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo sa Department of Health (DOH) na gumawa ng paraan para masolusyunan at maisailalim sa liver transplant ang mga batang may biliary atresia sa bansa.

Sinabi ito ni Tulfo sa Makati Shangri-La hotel sa isinagawang programa ng pasasalamat para sa 150 batang Pinoy na may biliary atresia na matagumpay na sumailalim sa liver transplant sa Apollo Hospital sa New Delhi, India.

“This celebration is also call to action,” ani Tulfo patungkol sa pamahalaan partikular sa DOH na gumawa ng paraan para masolusyunan ang problema sa biliary atresia.

“It is a reminder of the importance of accessible healthcare for all. In a world where the disparity in healthcare access is stark, we must continue to advocate for those who are most vulnerable,” dagdag ni Tulfo.

Iginiit ng mambabatas na dapat ay maging available lalo na sa mahihirap na pamilya sa bansa ang liver transplant sa mga may sakit na biliary atresia na kadalasang available lamang sa ibang bansa tulad ng India sa Apollo Hospital.

“No family should have to choose between financial stability and the health of their child. No child should be denied the chance to live a healthy, fulfilling life due to a lack of resources,” giit ni Rep. Tulfo.

Kasabay nito, pinasalamatan niya ang Indian-based na Apollo Hospital dahil sa matagumpay na liver transplant sa may 150 batang Pilipino na may biliary atresia.

Sa kanyang talumpati, personal na pinasalamatan ni Tulfo ang Apollo Hospital na naging parte ng kanyang adhikain na makatulong at makapagpagaling ng mga batang may biliary atresia.

“In my personal capacity and through my advocacy, I have been blessed with the opportunity to directly impact lives by sending individuals, especially children, to Apollo Hospital in New Delhi, India for life-saving liver transplant,” ani Tulfo sa kanyang speech.

Si Cong. Tulfo ang personal na tumulong at nagpadala sa New Delhi, India sa 60 mga bata o sanggol na mayroong biliary atresia para sa kanilang “life-saving” liver transplant.

“Sending dozens of Filipino babies to receive life-saving transplants has been one of the most fulfilling endeavors of my life,” ani Tulfo.

Sa mga nagdaang taon, ang Apollo Hospital ay nag-aalok ng life-saving liver transplant surgeries sa mga bata, na karamihan ay mula sa Pilipinas.

Sa pakikipagtulungan ng mga may mabubuting puso at mga kilalang pilantropo na katulad ni Rep. Tulfo, matagumpay na naisasagawa ang delikadong liver transplant sa mga batang Pilipino.

Ang naturang programa ay napagtagumpayan dahil sa bisyon ni Dr. Prathap C. Reddy, Chairman at Founder ng Apollo Group ad Dr. Preetha Reddy, Executive Vice Chairperson. Kasama rin sila Dr. Anupam Sibal, Group Medical Director at Dr. Neerav Goyal, chief Liver Transplant and HPB Surgeon, na siya ring namuno sa surgical team.

177

Related posts

Leave a Comment