ABP LALAHOK SA FIRE PREVENTION CELEBRATION NGAYONG MARSO

KAAKIBAT ng masidhing adhikain “PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS”, nakikiisa ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa sa buong buwan ng Marso.

Ngayong taon, may tema ang pagdiriwang na “Pag -iwas Sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” ” PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS !!!”

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Kailangang magkakabuklod ang bawat Pilipino sa pagtugon na may sapat na kaalaman at kahandaan sa mga kalamidad,” ayon kay ABP first nominee Jose Antonio “Ka Pep Goitia”.

”Sa mga isinasagawa naming pagbisita ay itinuturo ng grupo ang emergency response drill at tamang paggamit ng fire extinguishers,” diin ni Goitia.

“Mas ligtas pag palaging handa. Ang ABP at ang mga miyembro nito ay walang takot at walang sawang magbibigay ng serbisyo kahit anong oras. Handang rumesponde sa lahat ng emergency,” ayon pa kay Goitia.

Layunin ng ABP na binubuo ng koalisyon ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers na makapagbigay ng serbisyong walang kapantay sa pagsagip ng buhay.

Itinuturing na isang “apostolic work” ang ginagawa ng mga ito dahil sa nakaambang panganib at maaring ikapahamak at ipagbuwis ng buhay sa pagresponde sa mga sakuna partikular ang sunog, ayon pa kay Goitia.

Kaugnay nito, layunin ng ABP party-list na ipaglaban ang pagkakaroon ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance ng mga miyembro nito dahil sa kasalukuyan ay minimal allowance at walang suweldo na natatanggap kapalit ng serbisyong ibinibigay sa mamamayan ng mga itinuturing na mga bayani ng sunog.

Sa sunod -sunod na suporta na kanilang natatanggap naniniwala, si Goitia na patuloy aangat ang ABP sa surveys at makapapasok sa Top 10.

Matatandaang umakyat sa pang-labing apat na pwesto ang ABP na ang mga nominee ay kinabibilangan nina Ka Pep Goitia, Lenin Bacud, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga sa isinagawang survey mula Pebrero 11-14 ng Tangere samantalang nasa Top 24-25 naman sa OCTA Research.

33

Related posts

Leave a Comment