AFP, U.S. FORCES NASAGIP 6 SAKAY NG SUMEMPLANG NA TRUCK

NAGSAGAWA ng rescue at medical evacuation ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Marines matapos sumemplang ang isang cargo truck sa malalim na bangin malapit sa Lal-lo Airport sa Cagayan.

Ayon kay Col. Xerxes A. Trinidad, mabilis na rumesponde ang mga sundalo na kalahok sa Exercise Balikatan 41-2026 upang iligtas ang anim na sakay ng sasakyan.

Apat sa mga biktima ang agad na na-rescue at dinala sa pinakamalapit na pagamutan matapos mawalan ng kontrol ang truck na may kargang semento at bumulusok sa bangin.

Samantala, naging mas mahirap ang pag-rescue sa dalawang sakay na na-trap sa loob ng sasakyan at malubha ang kondisyon, kaya kinailangan ang air medical evacuation gamit ang U.S. HH-60 Black Hawk helicopter patungo sa mas mataas na antas ng pagamutan.

Nabatid na isang U.S. Marine ang unang nakasaksi sa insidente at agad na nagbigay ng paunang lunas, habang tumulong din ang tropa ng 17th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force “Tala” at nakipag-ugnayan sa Philippine National Police para sa imbestigasyon.

Ayon kay Col. Trinidad, ipinakita ng insidente ang kahalagahan ng joint training at interoperability sa pagitan ng AFP at U.S. forces sa mabilis na pagtugon sa mga emergency.

(JESSE RUIZ)

107

Related posts

Leave a Comment