AFPSLAI EMPLOYEE PATAY SA AKSIDENTE

LUCENA City – Patay ang isang empleyado ng AFPSLAI nang ang minamaneho nitong SUV ay sumalpok sa kasalubong na 10- wheeler truck sa diversion road sa lungsod na ito, noong Sabado ng tanghali.

Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Julito Donato Delos Reyes, 54, residente ng Marikina City.

Idenaklara itong dead on arrival sa ospital sa Lucena City dahil sa mga pinsala sa ulo at katawan.

Nakuhanan ng dash cam ng kasunod na sasakyan ng truck ang pangyayari.

Batay sa kuha, iniwasan ng biktima na masalpok ang sinusundan nitong tricycle habang tinatahak ang highway sakop ng Barangay Ilayang Dupay.

Nawalan ito ng kontrol at biglang lumiko pakaliwa patungo sa kabilang lane ang minamaneho nitong Pajero kaya nabangga sa tagiliran ng Isuzu Giga 10-wheeler truck na minamaneho ni Joaquin Betis, taga Guagua, Pampanga.

Sa lakas ng impact, umikot ng halos 360 degrees ang nagkayupi-yuping Pajero hanggang sa huminto sa harapan ng truck.

Naaresto ng mga tauhan ng Lucena police ang driver na sasampahan ng kaukulang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

129

Related posts

Leave a Comment