ANO NGA BA’NG TOTOO, IPE?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

PINAGPIPIYESTAHAN ng mga netizen ang kumakalat na intrigang iniuugnay ang partner ni dating pangulong Digong Duterte na si Honeylet Avanceña kay Philip Salvador, isa sa senatorial candidates ng Partido Demokratiko ng Pilipino (PDP).

Kayo rin siguro ay nagtataka kung paanong lumutang ang ganitong usapan sa gitna ng seryosong mga pangyayari na pinagdaraanan ng dating pangulo.

Eto, nahalata raw ng mga netizen na kinukuha ni Ipe ang atensyon ni Honeylet.

Bakit at para ano? Masisikmura bang patusin ng isang lalaki ang karelasyon ng kanyang kaibigan lalo’t kung ito ay dating pangulo?

Nungka. Kaso, may mga dahilan… kuno. Tutok muna tayo sa intrigang sentrong karakter si Ipe.

Paano sumulpot ito? Ayon sa mga tsikadora, kapansin-pansin daw ang pagiging malapit nina Honeylet at Ipe nang araw na arestuhin si Digong.

May pictures at videos na umiikot kung saan yakap ng aktor si Honeylet. Emosyonal si Ipe pero hindi kinagat ng netizens… Batikang aktor nga kasi.

Inaalalayan pa raw ni Ipe si Honeylet na susundo ng abogado para kay Digong sa labas ng kampo para pumirma sa notaryo si Duterte, at hindi rin nito pinalampas nang harangin ng mga sundalo si Honeylet para makiusap na payagan ang abogado ni PRRD na makapasok.

Pero ang higit na nakaintriga sa marami ay ang pagtanggi ni Honeylet na samahan si Digong sa The Netherlands.

Ang katwiran: walang passport. Mahirap nga namang paniwalaan iyon dahil kabababa lang nila ng eroplano noon mula sa Hong Kong.

Baka malalim ang dahilan ng hindi pagsama ni Honeylet sa The Hague. ‘Di ba, may mga ispekulasyon na malabong makabalik sa bansa si Duterte kaya baka kailangang asikasuhin ni Honeylet ang kanyang mga negosyo para sa kanilang kinabukasan ngayong hindi na siya mapoprotektahan ni Digong. Pero, talagang ayaw tantanan ng intriga ang dalawa.

Dati nang kilalang gentleman si Ipe at matinik din pagdating sa chikababes kaya siguro marami ang naiintriga sa pagiging maginoo nito pagdating kay Honeylet. Samu’t saring opinyon ang lumulutang. Maging ang batikang showbiz host na si Cristy Fermin ay nagbigay ng komento. Aminado siyang walang kumpirmasyon ukol sa espekulasyon.

Teka, baka dumidikit at pumapapel si Ipe kay Honeylet dahil kabado siyang hindi siya mananalo.

Mukhang pursigido ang aktor na sumampa sa Senado kahit kinakastigo siya sa social media.

Tanda n’yo pa ba ‘yun isinigaw niya noon sa mga bumabatikos kay Duterte? ‘Pag minalas-malas, ‘yun mismo ang papatay sa tangka niyang maging senador.

36

Related posts

Leave a Comment