BINUWELTAHAN ni Senador Panfilo Lacson ang ilang mambabatas sa Amerika na bumabatikos sa naisabatas na Anti-Terror Act of 2020 dahil mas malala pa ang Anti-Terrorist Law ng mga ito.
Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nagtataka siya kung ilan kaya sa US lawmakers na bumabatikos sa batas ng Pilipinas na bumoto sa sarili nilang batas laban sa terorista.
“I wonder how many among those 50 or so members of the US Congress voted in favor of their own country’s Anti-Terrorism Act of 2001,” ayon kay Lacson.
Kamakailan, sumulat ang 45 American lawmaker sa gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng embahada sa Washington na kaagad bawiin ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act 2020.
Sinabi ni US Congresswoman Jan Schakowsky na kasama siya ng 44 pang mambabatas na lumiham kay Philippine Ambassador to the U.S. Jose Romualdez para bawiin ang naturang batas.
Ngunit, sinabi ni Lacson na hindi katulad ng Republic Act 11479, wala itong probisyon tulad ng kulungan sa Guantánamo Bay na puwedeng ikulong nang takdang panahon ang sinomang
pinaghihinalaang terorista, bukod pa sa torture at paglabag sa karapatang pantao, suicides at suicide attempts na iniulat ng Amnesty International – lahat ay paglabag sa Due Process Clause ng US Constitution.
“And unlike their Anti-Terrorism Act of 2001, our law does not allow one-party consent in the conduct of electronic or technical surveillance,” giit ni Lacson.
Sinabi ni Lacson na maraming safeguard ang sariling Anti-Terror Act upang matiyak na mapangalagaaan ang karapatang pantao ng sinomang pinaghihinalaang terorista. (ESTONG REYES)
184
