Apela sa mga bakunado GOV’T FACILITIES IPAUBAYA SA SEVERE PATIENTS

NAKIUSAP ang Malakanyang sa mga bakunadong indibidwal na ipaubaya na lamang ang pasilidad ng pamahalaan at mga pagamutan sa mga tinamaan ng COVID na nasa severe at critical stage.
Ito’y kung sakali’t tamaan sila ng Delta variant.

Ang pakiusap ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bunsod ng tumataas na health care utilization rate dahil na rin sa pag-akyat ng kaso ng COVID-19.

Aniya, kung ang isang indibidwal ay bakunado na, maaaring mag-quarantine na lang sa mga lugar gaya ng tahanan kung mayroon namang toilet sa sariling kuwarto nito.

At kung mild o asymptomatic at nakakahinga naman ay puwede na aniyang sa quarantine facility magpunta dahil may doktor din namang titingin doon.

Subalit para sa mga hirap at naghahabol ng hininga, sa ospital na ani Roque dapat dalhin ang mga ito at importante aniyang maireserba ang mga pagamutan sa mga malalang tinamaan ng COVID-19.

“Iyong mga bakunado na po, nagka-quarantine na lang po doon sa mga lugar na mayroon sarili talaga silang mga toilet at sariling mga kuwarto.

At mayroon lang po akong isa na naging medyo seryoso na kinakailangang dalhin sa ospital. Pero ang kanyang misis na nahawa na rin ay nasa quarantine facility naman po,” ayon kay Sec. Roque.
“So, magtulung-tulungan na po tayo kung mild or asymptomatic, nakakahinga po tayo eh sa quarantine facility na tayo pupunta po. Mayroon din naman mga doktor doon. Pero, iyong nahihirapang huminga, doon po talaga kinakailangan magpunta na sa hospital,” dagdag na pahayag nito.

98

Related posts

Leave a Comment