ARTA, LoGIC SANIB-PUWERSA SA TAMANG SERBISYO NG LGUs

NAGSANIB ng puwersa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Local Government Integrity Circles (LoGIC) para tiyakin na naipatutupad ng Local Government Units (LGUs) ang RA 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sa webinars kamakailan, kasama ng Negros Occidental at Iloilo noong Hulyo 10, at ng Bohol at Guimaras noong Hulyo 7, napag-usapan nina ARTA Director general Jeremiah Belgica ang ARTA Package sa detalye ng pakikilahok ng LGU.

Ang ARTA Package ay kinapapalooban ng mga programa na ang layunin ay para matulungan ang government agencies na masunod ang mga probisyon ng RA 11032.

Ang National Government Agencies at LGUs, partikular ang highly urbanized cities o HUCs, ang siyang pangunahing makikinabang sa package sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ARTA at ng isang partikular na ahensiya ng gobyerno.

Sa nalalapit na deadline ng pagsusumite ng kanilang updated Citizen’s Charter sa Hulyo 25, sinabi ng Compliance Officer mula sa ARTA, ang pag-uusapan ay ang guidelines para sa submission.

Kaugnay nito, binigyang diin ng ARTA sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na ang bagong proseso ay iimplementa.

Habang ang iba pang mga pagbabago ng kanilang kasalukuyang serbisyo na naipatutupad na ay bibigyan ng konsiderasyon sa deklarasyon ng State of Public Health Emergency na nakalagay sa kani- kanilang Citizen’s Charter. (JOEL O. AMONGO)

155

Related posts

Leave a Comment