Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ng marami nating kababayan hinggil sa tulong na ibinibigay ng bansang China sa ating bansa partikular sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naisip ko na lang na baka kulang ang publisidad ng China hinggil sa mga tulong nito sa Pilipinas o sadyang malakas pa ang propaganda ng Estados Unidos para palakasin ang sentimiyentong anti-China at pro-US ng mga Filipino. Nitong nakaraang tatlong taon (2016-2019) halimbawa, tumaas ang bilang ng mga turistang Chinese sa bansa ng 150 porsyento mula…
Read MoreAuthor: admin
NTC MAAYOS
Masarap kapag mabuting balita naman ang ating inihahatid sa ating mga suking mambabasa. Nakakatuwa kapag may mga ahensya tayo na maayos na nagseserbisyo sa taumbayan. At sa diwang ating binanggit ay may magandang balita si Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, Jr. na pinapupurihan ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa mabilis na paghahatid ng mga pampublikong serbisyo bilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. Sa pamamagitan ng pag-angat sa pampublikong serbisyo, sinabi ni Secretary Rio…
Read MoreBEAUTY TIPS PARA SA DRY SKIN
Nakahihiyang magkaroon ng tuyot o nanunuyot na balat. Sayang din ang kutis kung wala namang sugat o peklat ngunit ang problema lang ay ang pagka-dry nito. Para maiwasang maging dry ang balat, sundin ang mga sumusunod na tips na ito: Sa shower room… – Kapag maliligo o magsha-shower, isarado ang pinto. Ito ay upang maging limitado rin ang temperaturang papasok sa loob ng banyo. – Iwasang magbabad sa loob ng banyo. Sapat na ang 5 hanggang 10 minuto sa paliligo. – Gumamit lamang ng gentle at fragrance-free cleanser sa paglilinis…
Read MoreBAHAY AT BUHAY
(Ikalawang bahagi) Naririnig ko pa rin sa isip ko ang tinuran ng alkalde ng Maynila tungkol sa pagbibigay-dignidad sa mga sarili ng mga kababayang mahihirap kahit man lang sa paglilinis ng kanilang mga tirahan. Tamang-tama naman ang mga tirurang ito. Kaugnay nga ng mga naitanong ko sa unang bahagi ng sula-ting ito, paano nga ba natin maipapaunawa ang ibig sabihin ng salitang dignidad para sa mga taong ang tirahan ay nakasingit-singit sa mga estero? O kaya’y nakasiksik sa mga ilalim ng tulay, o gilid ng mga lumang establisimiyento sa siyudad? Paano…
Read MorePENSION SYSTEM SA PILIPINAS, ISA SA PINAKA-ATRASADO SA MUNDO
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Australia, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalalang pension system sa daigdig. Ayon sa Melbourne Mercer Global Pension Index (MMGPI) 2019, ang a-ting retirement income protocol ay 43.7 mula sa 100. Ito ay naglagay sa ika-34 mula sa 37 na bansa na sinuri. Para sa mga lider ng Bayan Muna na si Rep. Carlos Isagani Zarate at Chairperson Neri Colmenares, ito ay salamin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating senior citizens at mga retirado. Ito ay hudyat ng napakalaking pangangailangan upang itaas ang…
Read MoreTARADOR NG X-RAY INSPECTION PROJECT AGRESIBO SA PAGKOLEKTA
Agent Dekuku, Joey R at Agent Dan Pabuko namamayagpag Hindi na kinaya ng mga lehitimong consignee at broker sa Bureau of Customs (BOC) ang agresibong pagtatawag sa kanila ng mga nagpapakilalang bagman ng mga bagong opisyal sa ahensya. Batay sa mga impormasyong ipinadala sa Sumbungan, napag-alaman ng SAKSI Reportorial Team na napalitan na ang hepe ng X-Ray Inspection Project (XIP) na dating pinamumunuan ni Romeo B. Guan na may item na Supervising Customs Operation Officer. Sa bagong Customs Personnel Order B-101-2019 na inilabas kamakailan, nakasaad na ang bagong itinalagang hepe…
Read MoreBOC NANGUNA SA INITIAL MARKETING ACTIVITY NG UNIOIL TERMINAL DEPOT SA BATAAN
Ang Unioil Terminal Depot sa Mariveles, Bataan, ang pangalawang fuel company na sumailalim sa initial marking activity ng Bureau of Customs (BOC), Department of Finance (DOF), at Bureau of Revenue (BIR) nitong nagdaang Oktubre 22, 2019. Isinagawa ang official fuel marker ng Fuel Marking Team sa tinatayang 53 million liters ng gasolina na may kabuuang halagang P405,367,424.00 sa pamumuno ni Port of Limay District Collector Michael Angelo DC Vargas kasama ng kinatawan mula sa fuel marking provider SGS-SICPA at Oilink International Corp. Terminal Depot. Ang marker ay ibinuhos sa storage…
Read MoreIMBESTIGASYON NG PACC SA KORAPSYON APRUB SA BOC
(Ni Boy Anacta) Aprub sa Bureau of Customs (BOC) ang kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa ilang empleyado ng Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) na umano’y sangkot sa smuggling at hindi awtorisadong pag-release ng shipments. Kasunod ito sa pagsilbi ng subpoenas sa mga sangkot. Una nang tiniyak ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mananatili ang polisiya ng ahensya sa pagpapatupad ng reporma upang tuluyan nang malinis ito mula sa katiwalian. Sa katunayan simula Nobyembre 2018, ang BOC ay nag-isyu ng…
Read MoreHABAMBUHAY SA COLOMBIAN ‘DRUG MULE’
(Ni Joel O. Amongo) Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte ang isang Colombian na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Anti-Illegal Drugs Task Force (AIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuhanan ng P8.9 milyon halaga ng cocaine na kanyang nilunok. Batay sa ibinabang desisyon ni Presiding Judge Maria Sophia Tirol Solidum-Taylor ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 31, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang akusadong si Alberto Pedraza Quijano, 67, kilala sa Colombia bilang “The Swallower” matapos mapatunayang ‘guilty beyond reasonable doubt’…
Read More