Si dating Pangulong Joseph Estrada ang bukod-tanging naging “Anti-Crime Czar” nang likhain ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at ginawang chairman nito ang kanyang bise presidente noon na si Estrada. Hindi siguro magiging pangulo ng bansa si Estrada kung hindi niya nagampanan nang mahusay ang kanyang pagiging anti-crime czar sa pamamagitan ng PACC at task forces nito na siyang responsable sa mga accomplishment ng komisyon. Inakala ng political advisers noon ni FVR na papalpak si Erap sa kanyang trabaho bilang PACC chairman at epektibong “anti-crime…
Read MoreAuthor: admin
KONTRATA SA MAYNILAD AT MANILA WATER, DAPAT REPASUHIN!
Para kina Bayan Muna Representative at Deputy Minority Leader na si Carlos Isagani Zarate at Chairman ng Bayan Muna na si Atty. Neri Colmenares, dapat na ituring na public utility ang tubig dahil ito ay buhay para sa lahat. Kung gayon, ang operasyon, pagmamay-ari, pagtatatag at pagmantina sa waterworks systems ay dapat pinamumunuan at kontrolado ng pamahalaan. Hindi ba’t napakahalaga nitong larangan para lamang ipaubaya ng pamahalaan sa mga pribadong sektor na ang pangunahing hangarin ay kumita? Gayundin, ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay binigyan ng mandato na…
Read MoreMULTO
Kuwento ng aking nasakyang taxi driver na akmang pang-Halloween. Eto raw ay mismong nangyari sa kanya. Pasado hatinggabi noon, may pumara sa kanyang babae, patungong Kyusi. Hindi na niya napigurahan ang babae, bukod sa nasa kabataan pa umano ito. Nang makarating na sa Kyusi ay pinara ng babae ang taxi sa harap ng isang bahay na bunggalo. Nagpaalam ang babae na akmang kukuha lamang ng pamasahe sa kanyang tinutuluyan, ngunit matagal-tagal na ay hindi pa rin lumalabas sa bahay ang kanyang pasahero. Sa kanyang pagkainip ay kahit makakabulabog sa mga…
Read MoreKOLEKSYON NG BOC PINALALAKAS PA
(Ni JO CALIM) Bilang bahagi ng pagpapalakas at pagpapaganda ng koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) ay aktibo ang Post Clearance Audit Group (PCAG) sa kanilang post clearance audits sa importers. Ang hakbang ay naaayon sa RA 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na ang PCAG ay muling binuhay noong nagdaang Disyembre sa ilalim ng Executive Order No. 46. Pangunahing mandato nito ay ang pagkakaroon ng post clearance audits para matiyak ang tamang duties at taxes na nakolekta maging pagkatapos ng pag-release ng…
Read MoreDTS, CCPS TRAINING SA BOC PORT OF CEBU ISINAGAWA
Isinailalim sa Document Tracking System (DTS) at Customer Care Portal System (CCPS) ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu at Sub-Port nito na Port of Mactan nitong nakaraang Oktubre 17 hanggang 18 ng taong kasalukuyan. Ang DTS ay isang online document status tracking system na kung saan malalaman ng stakeholders ang totoong kalagayan ng kanilang mga dokumento sa totoong oras sa paggamit ng QR code na hindi na mangangailangan ng personal follow-ups. Ang CCPS naman ay papayagan ang stakeholders na mag-submit ng kanilang concerns, feedbacks at complaints sa BOC…
Read MoreREVENUE COLLECTION NG PORT OF SUBIC SUMIRIT
MAHIGIT sa 22.8% ang itinaas ng kabuuang revenue collection ng Port of Subic mula Enero 1 hanggang Oktubre 25 ngayong taon. Sa inilabas na pahayag ng Port of Subic nitong nakaraang Sabado, sinabi nitong nalagpasan nila ang kanilang target na P24.7 bilyon para sa taong 2019 matapos na makapagtala sila ng kabuuang P26.9 bilyon koleksyon nitong Oktubre 25. Maging noong buwan ng Setyembre, sumobra rin ng P731 milyon ang kanilang koleksyon base sa pahayag ni Port of Subic District Collector Maritess Martin. Malaking ambag ng pagtaas ng koleksyon ng Port…
Read MoreP18.7-B KALIWA DAM TUTUTUKAN
Cong. Nograles: Gastos, batas at kalikasan protektahan Tiniyak ni Rizal Rep. Fidel Nograles na babantayan nito ang pagtatayo ng P18.7 bilyon Kaliwa Dam upang masiguro na walang batas na malalabag at mapoprotektahan ang kalikasan. Ang pagtiyak ay ginawa ni Nograles sa harap na rin ng pagbibigay na ng go signal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at China Energy Engineering Co. Limited na simulan na ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam project. Matatandaan na si Nograles ay una nang naghain ng House…
Read MoreTARA SA BOC DAPAT AKSYUNAN NG PACC AT NBI
Agent Dekuku at Joey R. ‘di natitinag sa koleksyon Lumakas ang panawagan ng mga lehitimong consignee at broker sa Bureau of Customs (BOC) na aksyunan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi natitinag na agresibong pangongolekta nina Agent Dekuku at Joey R. ng tara sa ahensya. Nakasandal umano sa pader ang dalawa dahil protektado ng mataas na opisyal sa Intelligence Group ni Dep. Comm. RR at mataas na opisyal ng X-Ray Inspection Project ng BOC, kaya’t hindi umano nag-aalala ang mga ito kahit makarating…
Read MoreMAHIGIT 500 TEENAGERs ANG NABUBUNTIS KADA ARAW?
Abay dapat nang maalarma ang pamahalaan sa ulat na ito ng Council for Welfare of Children (CWC) na nagkukumahog ngayon upang matugunan ang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis. Sa tala, mahigit 500 teenagers ang nabubuntis kada araw. Hahabulin na ba natin ang populasyon ng China? Dahil dito ay susulat na ang CWC kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maideklarang national emergency ang sitwasyon na ito ng mga teenager sa bansa na maagang lumobo ang tiyan. Paliwanag ni CWC Undersecretary Mitch Cajayon-Uy na susulat sila at magpapatawag ng…
Read More