BOC-MICP NAKALIKOM NG P18.38M SA PUBLIC AUCTION

NADAGDAGAN ng P18.38 milyon ang pondo ng pamahalaan matapos matagumpay na nasubasta ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa public auction ang 21 na 40-foot container ng woodfree paper.

Sa pangunguna ni District Collector Atty. Felipe Geoffrey K. De Vera IV, isinagawa ang auction bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Port na tiyaking napakikinabangan ang mga kargamentong nasa pangangalaga ng Customs.

Sa halip na manatiling nakaimbak, ang mga ito ay na-convert sa karagdagang pondo na maaaring magamit para sa mga programa at serbisyong pampubliko.

Binigyang-diin ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno na mahalagang bahagi ng mandato ng Bureau ang pagtiyak na ang mga kargamentong nasa kustodiya nito ay pinangasiwaan nang maayos at napakikinabangan para sa kapakanan ng publiko.

“Ang pananagutan natin sa mga kargamento ay hindi natatapos sa pag-clear o pagsita sa mga ito. Sa pamamagitan ng patas at transparent na public auction, tinitiyak nating maayos na naibebenta ang mga produktong nasa pangangalaga ng Customs at nagiging karagdagang pondo para sa mga serbisyong pampubliko,” ani Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Samantala, sinabi ni Collector De Vera na ang matagumpay na auction ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng BOC-MICP na panatilihing maayos, episyente, at alinsunod sa batas ang pamamahala ng mga kargamento sa Port.

Ang auction na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BOC-MICP na suportahan ang paglikom ng karagdagang pondo para sa pamahalaan.

Sa kabuuan, nakalikom na ang MICP ng P35,047,147 milyon mula sa mga public auction nito ngayong taon, na nagpapakita ng ambag nito sa mahusay na pamamahala ng mga kargamento at paglikom ng pondo para sa bayan.

(JESSE RUIZ)

 

63

Related posts

Leave a Comment