(Ni DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang pagbuo ng National Transportation Safety Board (NTSB) na mag-iimbestiga sa lahat ng transportation accidents, tutukoy sa pag-sunod sa safety standards, at paggawa ng mga pag-aaral para sa safety at improvement. Sa kanyang Committee Report No. 8, iginiit ni Poe ang pangangailangan ng isang ahensya na nakatutok sa im-bestigasyon sa mga aksidente. “Transportation mishaps exact an appalling toll in terms of death, injuries, medical costs and damaged proper-ties. Behind these are the social costs of grief and…
Read MoreAuthor: admin
MGA MAG-AABANDONA SA MAGULANG, PARURUSAHAN
(Ni DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukala na magpapataw ng parusa sa mga mag-aabandona sa matatandang magulang at maysakit. Sa kanyang Senate Bill 29 o ang proposed “Parents Welfare Act of 2019,” nais ni Lacson na obligahan ang mga anak na suportahan ang kanilang tumatandang magulang lalo na kapag may karamdaman o wala nang kakayanan. Sa panukala, gagawing criminal offense ang pagpapabaya sa mga magulang. Maaaring maghain ang isang magulang na nangangailangan ng suporta ng petition for support sa korte laban sa kanyang anak na tumatangging…
Read MoreBOC HUMINGI NG PANG-UNAWA SA STAKEHOLDERS SA PAGKAANTALA NG ACCREDITATION
Humingi ng pang-unawa ang Bureau of Customs (BOC) sa stakeholders dahil sa bahagyang pagkaabala sa proseso ng kanilang accreditation. Sa kasalukuyan, ang BOC ay patuloy ang pagpapaganda ng sistema at proseso para sa kanilang stakeholders at partners. Partikular na ang pagpapabilis sa proseso ng lahat ng mga nakabinbin na aplikasyon sa kanilang tanggapan. Nakatakdang umalalay ang BOC-Public Information and Assistance Division (PIAD) sa mga nangangailangan partikular sa kanilang stakeholders at partners ng Customs. Nauna nang ipinatupad ng Customs ang modernisasyon para makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo sa kanilang…
Read MoreNASABAT NA ULO NG USA NASA PANGANGALAGA NA NG DENR
Pormal nang itinurn-over ng Bureau of Customs-Environmental Protection and Compliance Division (BOC-EPCD) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabat na ulo ng usa kamakailan. Ayon sa report, ang ulo ng usa ay wala umanong kaukulang import permit mula sa BOC at DENR na nasabat sa isang warehouse sa Maynila noong nakaraang Setyembre 24, 2019. Bahagi umano ito ng parcel na idineklarang ‘used household goods’ at personal na kagamitan na dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 12, 2019 mula sa Guam. Kinumpiska ang ulo ng…
Read MoreFULL IMPLEMENTATION NG ‘FUEL MARKING SYSTEM’ SA ENERO 2020 NA
(Ni JO CALIM) Ipatutupad na ang full implementation ng ‘fuel marking system’ sa Enero ng susunod na taon na ang pangunahing layunin ay maiwasan ang smuggling ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tionko, kasalukuyan nang isinasagawa ng departamento ang ‘marking fuel manually’, habang may isang team ang nagsasagawa ng automatic system na siyang hahawak ng malaking volumes sa mga refinery at tank farm level. “The team is in the process of working with the big refineries for installation of the automatic injection of the marker.…
Read MoreP35-M SHABU NASABAT NG CUSTOMS-NAIA
(Ni Joel O. Amongo) Aabot sa P35 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa bagahe ng isang pasaherong nagtangkang iwanan, Sabado ng umaga sa nasabing paliparan. Ayon sa report, ang pinaghihinalaang bagahe ay ininspeksyon at ipinagbigay alam sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) sa pakikipag-ugnayan sa NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) para sa posibleng drug interdiction operation. Gayunpaman, sa isinagawang eksaminasyon, dito ay nakita ang puting pulbos, methamphetamine hydrochloride (shabu), na may timbang na mahigit kumulang sa 5.16-kilo na may …
Read MoreTURISMO PARA SA KAUNLARAN AT TRABAHO NG IP COMMUNITIES
Ang pagpapaunlad ng turismo ay magbubukas ng maraming trabaho sa bansa na makatutulong sa pagpapagaan ng kahirapan lalo na sa indigenous cultural communities. Hindi dapat sayangin ng pamahalaan ang pagkakataong ibinibigay ng lumalagong industriya ng turismo sa mga magagandang lugar na madalas pasyalan ng mga turista – mapa-lokal man o banyaga dahil ito ay paraan para magkaroon ng mas maraming trabaho at pagkakakitaan ng ating mga kababayan. May mga tourist destination kasi sa ating bansa na sakop ng ancestral domain ng mga katutubo na nasasalaula dahil sa iilang mga mamumuhunan…
Read MoreLACSON RUMESBAK KAY CASTRO: MABUTI NANG ISIP BATA KAYSA ISIP MATANDA PERO MAGNANAKAW!
Tumitindi ang bangayan ng dalawang mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at House of Representative dahil sa insertion umano ng 2020 budget na pinag-aawayan ngayon ng dalawang law maker. “Kung isip bata dahil nagbabantay sa budget, eh ‘di isip bata, kaysa naman isip matanda nga pero nagnanakaw naman sila sa pondo ng gobyerno, so isip bata na ako.” Ito ang sagot ni Senator Panfilo Lacson matapos siyang tawaging “isip bata ni Capiz Congressman Fredinel Castro kasunod ng paratang ng senador na may ipapasok na pork barrel funding sa 2020…
Read MorePILIPINAS, TAGUMPAY SA PANGANGASIWA NG AESIEAP CEO CONFERENCE 2019
Sa gitna ng matinding paghahanda ng ating bansa para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games, isang paghahanda pa ang isinagawa nito para naman sa kagaganap lamang na Association of Electricity Supply Industry of East Asia and the Western Pacific (AESIEAP) CEO Conference 2019. Hindi lamang sa larangan ng isports gumagawa ng magandang marka ang ating bansa kundi pati na rin sa industriya ng kuryente. Nagtapos ang nasabing pagpupulong nang may malinaw na direksyong patungo sa sustainability at pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya na siyang prayoridad nito. Ito ay ginanap noong…
Read More