Sa kabila ng Anti-Hazing Law na naging batas noong 1995 bunsod ng dumaraming bilang ng mga namamatay sa hazing rites ng mga fraternity sa unibersidad, patuloy ang tradisyon nito at inasahan noon na huling biktima na ang law student ng University of Santo Tomas na si Horacio “Atio” Castillo na namatay noong 2017. Nitong nakaarang linggo ay isa namang biktima ng hazing ang namatay na si Darwin Dormitorio na isang 4th class cadet sa Philippine Military Academy kung saan nanggagaling ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Bago…
Read MoreAuthor: admin
KAHIT SINO ANG IUPO
Bakit kahit sino na yata ang iupo sa pamahalaan ay nanatiling laganap, paminsan ay mas malala pa ang korapsyon? Nawawala ang integridad ng isang administrasyon kapag talamak ang korapsyon dito. Katulad na lamang sa nakaraang administrasyon kaya naman wala silang maipagmalaki para sana maiangat ang mga kandidato nito pagka-senador. Nawalan kasi ng integridad. Sa ngayon ay laganap pa rin ang korapsyon ngunit nanatiling popular si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil nakikita naman ng lahat ang kanyang pagiging seryoso laban sa korapsyon na mismong kaibigan na malaki ang naitulong sa kanya…
Read MoreGREEN ENERGY
Affordable at clean energy na maaasahan (Ng PFI Reportorial Team) Sa panahon ngayon ay kinikilala ng marami ang kahalagahan ng green energy sa buong mundo. Ang green energy ay nagmumula sa natural na mga pinagkukunan ng enerhiya tulad ng sikat ng araw, hangin, ulan, mga alon, mga halaman, lumot at geothermal heat o ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang mga ito ay renewable o natural na napapalitan kumpara sa enerhiya mula sa langis, karbon o uling, at natural gas na maaaring maubos sa darating na panahon. Malaking…
Read MoreGREEN LIVING, KAKAYANIN NATIN
(Ng PFI Reportorial Team) Nasa estado tayo ngayon kung saan hindi na nagiging normal ang galaw ng mundo kaya dapat ay may adjustments tayong gawin para makabalik tayo sa dati na magaan ang buhay dahil ang takbo ng mundo noon ay ibang-iba sa ngayon. Noong araw, hindi tayo nakararanas ng matinding pagbaha kahit pa sabihing may bagyo na. Kung ikukumpara mo sa ngayon, kaunting pag-ulan lang ay may baha na. Kapag nagkaroon man ng bagyo sa panahon ngayon ay naroon na rin ang pagguho ng mga lupa o landslides. Samantala…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikapitong bahagi) Sinasabi na ang usapin sa bigas ay tumutukoy sa isyu ng kakulangan nito. Ibig sabihin, hindi natutugunan ang pangangailangang konsumo ng mga mamamayang Filipino ng butil na ito. Masalimuot at mapagdedebatehan ang puntong ito. Sabi ng ilan, wala namang kakulangan dahil may supply naman, ‘yun nga lang ang halaga ng mga ito ay sobrang mataas at hindi na kinakaya ng mga nasa laylayan ng lipunan. Kaya nga’t naglabas ng variety na mura noong mga unang panahon. Pero kahit ang mumurahing variety na ito ay nakitang kinakapos pa rin.…
Read MorePAMBANSANG BUDGET 2020: BUDGET PARA SA PAGPATAY, PAGPAPAYAMAN NG IILAN
Tutol ang Bayan Muna sa pag-apruba ng Kongreso ng pambansang budget sa taong 2020. Tutol ang progresibong partido sa budget na para sa pagpatay, sa pagsikil sa karapatan ng mamamayan, at ang budget na batbat ng pondong pork barrel. Sinusuhayan ng panukalang badyet 2020 ang madugong track record ng administrasyong Duterte sa pamamasalang. Ito ay pag-igting sa giyera laban sa droga, sa anti-insurgency, sa paglabag sa karapatang pantao, at pagsugpo umano sa kriminalidad. Umakyat ng 40% ang badyet para sa Defense ngayong taon. Ang PNP ay binigyan ng P184.9 billion,…
Read MoreMAY TRADISYUNAL NA HAMON PA RIN SA KAPASKUHAN
T’yak may tradisyunal na hamon pa rin at hindi magbabago ang presyo nito ngayong Pasko sa kabila ng isyu sa African Swine Fever (ASF). Pero dahil hindi maiiwasan ang pagbabawas ng produksyon ng hamon, ang t’yak namang maaapektuhan ay itong tinatawag na seasonal employees dahil siguradong hindi na muna sila kukunin ngayong Kapaskuhan, ayon na rin Philippine Association of Meat Processors Inc. Nagkaroon ng pagtigil o pagputol ng produksyon dahil sa total ban na ipinataw sa baboy at produkto mula sa Luzon, probinsiya ng Cebu at Bohol. Pero sinabi ng…
Read MoreGOOD PERFORMANCE NG CUSTOMS-NAIA IPINAGMALAKI NI GUERRERO
IPINAGMAMALAKI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang magandang performance ng Customs-NAIA. Si Guerrero ang naging panauhing pandangal sa 59th Founding Anniversary ng Port of NAIA noong nakaraang Setyembre 16, 2019. Sa pananalita ni Commissioner Guerrero sa nasabing okasyon ay pinuri niya ang pamunuan ng Customs-NAIA sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan at mga tauhan nito dahil sa kanilang magandang performance. Sa nasabing selebrasyon ay iprinisinta ni District Collector Talusan ang accomplishment report ng Port mula 2018 hanggang 2019 at iba pang reporma. Dahil dito, pinangunahan…
Read MoreBOC NAGDAOS NG 2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY
Para magkaroon ng mataas at de-kalidad na serbisyo Sa layong magkaroon ng mataas at de-kalidad na serbisyo, nagsagawa ng ‘2-day strategy formulation activity’ ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark, Angeles City, Pampanga kamakailan. Ang aktibidad na isinagawa nitong nakaraang Setyembre 5 hanggang 6, 2019 sa Lewis Grand Hotel, Pampanga ay bahagi ng strategic planning ng ahensya na nakapaloob sa 10-point priority program nito. Kabilang sa mga dumalo sa sesyon ay ang Customs Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors at iba pang key officers ng ahensya. Nagsilbing …
Read More