KAILANGANG SAGUTIN NG PALASYO ANG ISYU NG HUMAN RIGHTS VIOLATIONS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Isa na namang anti-corruption na organisasyon ang bumatikos sa record ng gobyerno ng Pilipinas sa larangan ng korapsyon at paglabag sa karapatang pantao. Para sa progresibong partidong Bayan Muna, dapat nang sagutin na ng administrasyong Duterte ang mga resulta ng pag-aaral ng Global Witness, isang international organization na nag-aaral sa kalagayan ng mga bansa sa larangan ng karapatang pantao, korapsyon, kalikasan, at iba pang mga isyu. Sa kanilang ulat, sinabi nilang matindi ang atake na ginagawa ng mga pwersa ng estado at paramilitary groups sa mamamayan lalo na sa human…

Read More

PAANO KUNG TOTOO?

SA TOTOO LANG

Sa lumabas na ulat kahapon, naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na babawiin ng China ang Scarborough Shoal bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Ito ay dahil sinabi ng ating pangulo na hindi niya mapipigilan ang China sa pagtatayo ng mga istraktura sa shoals ng Panatag o Bajo de Masinloc. Kung totoo man ito o kung tuluyang mangyayari, aba’y kawawa naman pala ang mga Filipino. Mawawalan tayo ng pag-aari. Mawawalan tayo ng karapatan at kalayaang makapunta sa West Philippine Sea. Dito ay mababalewala…

Read More

6 TAONG KULONG VS ABUSADONG OSPITAL  

ABUSADONG OSPITAL

(Ni NOEL ABUEL) MAHAHARAP sa pagkakakulong ng 6-taon ang mga opisyales ng isang ospital na mapatutunayang nang aabuso at nangho-hostage ng mga pasyente nito. Ito ay sa sandaling maipasa ang panukalang batas na inihain ni Senador Risa Hontiveros na naglalayong parusahan ang mga abusadong ospital sa gitna ng nararanasang outbreak sa mga sakit na dengue, tigdas at iba pang sakit. Paliwanag nito, hindi katanggap-tanggap na i-hostage ang isang pasyente dahil sa kawalan ng pera nito kung kaya’t dapat na paigtingin ang karapatan ng mga pasyente partikular ang mga mahihirap. “Sa…

Read More

5-YEAR TERM SA BARANGAY OFFICIALS, ISINUSULONG SA KAMARA

BRGY-SK-TERM

(Ni ABBY MENDOZA) KASABAY ng panukalang pagpapaliban ng 2020 Barangay Elections sa ta-ong 2023, isinusulong din sa House of Representatives na pahabain at gaw-ing 5 taon ang termino ng elected barangay officials. Ayon kay Isabel Rep. Inno Dy na dating nagsilbing Barangay Chairman, maituturing na sobrang ikli ng 3 taong termino ng mga barangay at SK offi-cials, karaniwan umano na sa loob ng 1 hanggang 2 taon ang isinasaga-wang mga trainings at sa ikatlong taon pa lamang sana ang implementasy-on ng mga programa sa barangay subalit pinaghahandaan na muli ang…

Read More

3 PA IDINAGDAG SA ASF BAN LIST

ASF-3

Tatlo pang bansa sa ibayong-dagat ang idinagdag sa listahan na ipagbabawal ang pag-import ng mga karneng baboy dahil sa  African Swine Fever (ASF). Kabilang sa mga bansang ito ang Myanmar, Serbia at South Korea na pinaniniwalaang kontaminado ng ASF. Bukod sa tatlo, kasama na rin sa listahan ang mga bansang Belgium, Bulgaria, Cambodia, China, Czech Republic, Hong Kong, Hungary, Laos, North Korea, Latvia, Moldova, Mongolia, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Vietnam at Zambia. Matatandaang noong Setyembre 18, nag-isyu ng updated na listahan si Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner…

Read More

INTER-AGENCY TASK FORCE VS. ASF BINUO NG BOC-PORT OF SUBIC

INTER-AGENCY TASK FORCE

Sa layuning malabanan ang pagkalat pa ng sakit  na African Swine Fever (ASF) sa mga baboy, isang inter-agency task force ang binuo ng Bureau of  Customs (BOC) Port of Subic. Nakipag-ugnayan na kamakailan ang BOC Subic sa mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)  para sa pagbuo ng nasabing task force. Pinangunahan ito ni BOC Port of Subic District Collector Maritess Martin; SBMA Deputy Administrator Ronnie Yambao; kasama sina Ms. Belinda Lim, Chief Assessment; at Mr. Pocholo Mangohig ng Public Information Office (PIO). Ang pagbuo ng task force ay…

Read More

PARA MAPABILIS ANG PROSESO AT SERBISYO: 4-DAY WORKSHOP SA BOC-MICP

4-day workshop

Nag-organisa ang Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa pamamagitan ng kanilang External Affairs Office ng 4-day workshop na kung saan  nakasentro ito sa Time Release Study (TRS) 2019 na siyang magiging daan upang mapabilis pa ang proseso at paghahatid-serbisyo nito. Sa tulong na rin ito ng Planning and Policy Research Division (PPRD) ng kanilang tanggapan sa Port Area, Manila  bilang testing port. Ang nasabing workshop ay pinangasiwaan ni WCO TRS Accredited Expert Mr. Sompasong Alphaengphai, Deputy Director Legislation Division mula Lao Customs Department at suportado ng Asian Development…

Read More

MANDATORY X-RAY SA CONTAINERIZED CARGOES HINIGPITAN NG BOC

CONTAINERIZED CARGOES

(Ni BOY ANACTA) Mas lalo pang hi­nigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang implementasyon ng mandatory x-ray sa lahat ng containerized cargoes na papunta sa mga Customs Bonded Warehouses (CBWs). Sa inilabas ni BOC Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero na memorandum na may petsang Setyembre 12, mahigpit nitong iniutos  ang mandatory x-ray examination sa nasabing mga kargamento. Suhestiyon ito ng Assessment and Operations Coordination Group sa pamamagitan ni  Deputy Commissioner Atty. James Dy Buco bilang karagdagang  hakbang upang masugpo ang smuggling activities. Ayon kay Dy Buco, bagama’t ang imported  containerized cargoes …

Read More

MGA DILAWAN NA INIREKLAMO NG SEDITION AT IBA PA, KINAKABAHAN NA?

PRO HAC VICE

May patunay na kinakabahan na ang ilang mga ini-rereklamong dilawan. Dahil sa halos magkasunod na linggo, parehong nagpapasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang mga ito gaya nina attorneys Theodore Te, Erin Tañada at Chel Diokno. Pinahaharang nila sa CA ang preliminary investigation na isinasagawa ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong kinakaharap ng mga ito gaya ng sedition, libel, cyber libel, estafa, harboring of criminals at obstruction of justice na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa kanila dahil sa umano’y kawalan ng…

Read More