(Ni Jo Calim) Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Limay ang kanilang month of July 2019 collection target, batay sa kanilang pinakahuling ulat. Ang actual collection ng BOC-Port of Limay sa nakaraang buwan ng Hulyo ay umabot sa P6,376,163,492.20 kumpara sa collection target na P4,593,031,785.00 katumbas ito ng sobrang P1,783,131,707,20. Ang Port of Limay ay 19 magkakasunod na naabot o sumobra ang kanilang collection target. Dahil dito, ang BOC-Port of Limay ay nakatanggap ng pagkilala mula kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pamamagitan ng isang plake. Nasa ilalim…
Read MoreAuthor: admin
SHIPMENT NG CIGARETTE-MAKING MACHINES SENTRO NG CHINA-DOF TALKS
(Jomar Operario) Sentro ng nakatakdang pakikipag-usap ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa Chinese Customs officials ay may kinalaman sa shipment ng cigarette-making machines sa Pilipinas. Ang nasabing pakikipagtalakayan ni Dominguez sa Chinese Customs officials ay para mawakasan ang patuloy na ilegal na paggawa ng sigarilyo sa Pilipinas ng mga negosyanteng hindi nagbabayad ng kanilang buwis. “We are going to talk to their Customs about a number of issues and one of them is going to be these cigarette-making machines. We are not certain that all of…
Read MoreP2.2-M SMUGGLED CIGARETTES SINIRA NG BOC ZAMBO
(Ni Joel O. Amongo) Aabot sa P2.2 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga noong nakaraang Agosto 14, 2019. Ang sinirang 45 na kahon ng smuggled cigarettes ay nauna nang nasabat ng pinagsanib na operasyon ng BOC Zamboanga sa pamumuno ni District Collector Sigundo Sigmundfreud Barte sa pakikipagtulungan ng BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) at iba’t ibang enforcement agencies ng gobyerno. Ang operasyon ay nag-ugat mula sa impormasyon na natanggap na mayroon umanong hindi …
Read More“8484” TEXT HOTLINE NG BOC INILUNSAD
(Ni JOEL O. AMONGO) PORMAL na ring inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence Group (IG) kamakailan ang “8484” bilang isang special text hotline number para maisumbong ang masamang gawain sa Aduana. Ang nasabing text hotline ay maaaring direktang mai-report ng publiko ang sinumang BOC official o empleyado na gumawa ng iregularidad na transaksyon sa brokers/importers/fixers at iba pa na may kinalaman sa smuggling, panunuhol, ilegal na droga at iba pang gawaing ilegal. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa “8484” na may kumpletong detalye ng 5Ws at 1H…
Read MorePOLICE VISIBILITY SA MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, MASUSING PAG-ARALAN
Magandang edukasyon at proteksyon laban sa krimen ang kailangan ng mga estudyante mula sa ating pamahalaan; huwag silang ituring na kalaban ng estado. Ang planong paglalagay o pagdaragdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ay hindi makatutulong at manapa’y makagagambala sa pagkatuto ng mga kabataan. Ang mandato ng PNP ay labanan ang kriminalidad at tugisin ang mga gumagawa ng krimen na wala naman sa mga unibersidad at mga kolehiyo kaya hangga’t hindi lumalaban ang mga estudyante sa gobyerno gamit ang armas ay hindi ito maituturing…
Read MorePROBLEMA SA TRAPIKO, HINDI DAPAT ISISI SA MMDA
Dismayado ang maraming motorista at biyahero noong nakaraang linggo dahil sa isang malalang “carmageddon” na nangyari pa-Norte sa EDSA. Inabot ng humigit-kumulang apat na oras ang biyahe mula Quezon City papuntang Lungsod ng Makati dahil sa masikip na trapiko. Nakadagdag pa ang matinding pag-ulan na dala ng isang low pressure area at ang pagkalito ng mga biyahero ukol sa TRO na inilabas ng Korte Suprema patungkol sa implementasyon ng pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA. Malinaw na nawawalan na ng pag-asa ang mga motorista sa Metro Manila at marahil…
Read MorePORT COLLECTOR JOHN SIMON, PINAMAMADALI SA KOREAN GOV’T ANG PAG-REEXPORT SA 500 METRIC TONS NG BASURA
Muling pinaalalahanan ni Mindanao International Container Terminal Oriental, Mindoro Port Collector John Simon ang Korean government na madaliin ang pag-reexport ng hazardous na basura na ilegal na ipinasok ng mga Koreano sa bansa kung saan lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga Filipino lalo na ang mga mamamayan ng Misamis, Oriental. Ayon kay Collector John Simon, ang Korean Ministry ay napakabagal ng kanilang pagkilos para maibalik na sa kanilang bansa ang natitirang 500 metric tons kung saan noon pang last June nagtungo sa ating bansa ang mga opisyal ng Korea at…
Read MoreSTRANGE FACTS AND TRIVIA SA FASHION INDUSTRY
1. Ever since ang mga lalaki ay nagsusuot ng shorts. Samantala, ang mga babae ay nahuli at pinayagan lamang na suotin ito in public matapos ang World War 2. Isa sa mga naging rason ay dahil noong panahon ay kaunti lamang ang napo-produce na tela, kaya naman ang shorts ay mas naging cost-effective kumpara sa pants or skirts. 2. Ang tee shirt ay isa sa mga pinakapopular na clothing items sa buong mundo. Umaabot din sa halos dalawang bilyon ang nabebenta nito sa buong mundo kada taon. 19th century nang…
Read More25 PINAY NA KINULONG NG EMPLOYER
Nakatanggap ako ng video at sulat mula sa halos 25 mga Pinay na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia na nakikiusap na agad silang mapauwi dahil sila ay kinulong at halos hindi pinapakain ng kanilang employer. Ayon sa kanilang liham, sila ay nag-apply bilang mga visual merchandizer sa International resource Development Corporation na may tanggapan sa Padre Faura, Manila. Ngunit imbes na visa para sa Visual Merchandizer, ay ang ibinigay sa kanilang work visa ay para sa cleaner upang diumano ay mabilis silang makaalis ng bansa. Ayon sa kanilang sumbong, ilan…
Read More