GMA HUGAS-KAMAY SA PINABILIS NA CHARTER CHANGE RESOLUTION

SGMA

Walang kagatul-gatol na tumanggi si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sinadyang bilisan ng mayorya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa ng Resolution of Both Houses (RBH) 15 sa ikalawang pagbasa nito kamakalawa. Ang layunin ng RHB 15 ay upang talakayin at ipasa ng dalaawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magsasalin sa pamahalaang federal mula sa kasalukuyang sistemang presidensiyal. Idiniin ni Arroyo na nagkaroon ng pagpapalitan ng ideya ang mga mambabatas sa plenaryo. Hindi rin daw totoo na hinarang ng kanyang mga ‘bataan’ sa Mababang Kapulungan ang pagtatanong ng ilang…

Read More

EXCISE TAX SA PLASTIC BAG ISINUSULONG SA KAMARA

PLASTIC BAG

(Ni ABBY MENDOZA) Uso na ngayon ang excise tax o dagdag buwis sa isang produkto. Pagkatapos ng P2 karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo, isinusulong naman ngayon sa Kamara de Representantes ni Sultan Kudarat Rep Horacio Suansing ang pagpapataw ng P10 excise tax sa bawat plastic bag na ginagamit sa mga supermarkets, malls, shops, sales outlets at iba pang kahalintulad na business establishment. Layunin  ng House Bill 8523 o Plastic Bag Tax Act ni  Suansing na malimitahan na ang paggamit ng plastic, kaya naisipan niyang ihain ang panukala na ipataw…

Read More

MANGGAGAWA BUGBOG-SARADO SA DUTERTE ADMINISTRATION

MANGGAGAWA-2

(Ni NELSON S. BADILLA) Paunti nang paunti ang nabibili ng mga manggagawa sa kanilang mababang sahod na natatanggap tuwing kinsenas at katapusan dahil walang humpay naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong kailangan araw-araw. Tapos, nagsipagtaasan ang sahod ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, ngunit P25 na ang pinakamataas at iyan ay sa Metro Manila kung saan sobrang taas ng presyo ng mga bilihin. Habang nararanasan ang mga ito ng mga obrero, nadagdagan ang bilang ng mga nawalan ng trabaho ng isang porsiyento (5.1% noong Oktube…

Read More

P2.4B ‘PORK BARREL’ NI GMA, P1.9-B NI ANDAYA NABISTO

ARROYO-ANDAYA

(Ni NOEL ABUEL) Hindi napigilan ni Senador Panfilo Lacson na ibunyag na isang makapangyarihang babae at la-laking kongresista ang P2.4 bilyon ang isiningit na “pork barrel” funds sa mungkahing P3.757 bilyong 2019 national budget. Habang binubusisi ang mungkahing badyet, hindi pinangalanan ni Lacson kung sinu-sino ang mga kongresistang nakakuha ng P2.4 bilyon at P1.9 bilyon mga pondong ilalaan sa samu’t sar-ing proyekto para sa kani-kanilang distrito. Ngunit, tinumbok ng senador na ang P2.4 bilyong pork barrel ay nakalaaan sa kongresista mula Lubao, Pampanga, samantalang ang P1.9 bilyon naman ay pork…

Read More

TRAIN 2 ‘SASAGASAAN’ 1,200 DAYUHANG KUMPANYA

Senate Minority Leader Franklin Drilon

(Ni NOEL ABUEL) Nababahala ang isang beteranong senador sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga dayuhang kumpanya ang umaalis ng Pilipinas bunsod ng nakatakadang implementasyon ng Tax Reform Aaccessibility and Inclusion (TRAIN) Law 2 sa Enero. Sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, nasa 1,200 dayuhang kumpanya ang nag-iisip na iwanan ang bansa dahil inalis na ang “fiscal incentives”sa ikalawang bahagi ng tax reform program ng adiminstrasyong Duterte. Maliban dito, aabot sa 150,000 trabaho ang posibleng mawala sa listahan ng Board of Investment (BOI) at Philippine Economic Zone Authority…

Read More

UP TAMBAK, TALO!

UP VS ATENEO

Napakahalaga ng laban ng Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons kanina dahil kung nanalo ang huli ay tabla ang dalawa. Kaya, maghaharap uli sila sa court na posibleng ikapanalo pa ng UP. Pero, kung matalo ang UP ay tiyak na walang ikatlong laban ang dalawang koponan na parehong taga-Katipunan, Quezon City. Kaya, tiniyak ng Ateneo Blue Eagles na hindi mangyayari na masungkit ng UP ang korona ng UAAP – 81 Men’s Basketball. Sa harap ng 23,471 fans na dumagsa sa Smart-Araneta Coliseum, hindi binigyan ng Blue Eagles ng puwang…

Read More

IS JILLIAN WARD READY FOR MATURE ROLE?

At thirteen, dalagita na si Jillian Ward. Kaya, hindi na pambata ang mga papel niya ngayon, tulad ng papel niya sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman na isang kikay na teenager. Handa naman daw si Jillian na iiwan na ang child-star roles para maging mas mature na bilang artista. “As long as work naman po,” sabi n’ya. Unang papel niya bilang teenager ang ginagampanan niya sa My Special Tatay ng GMA. “Ang edad ko nga po dito, parang sixteen po yata.” Kaya, aminado si Jillian na medyo nahihirapan…

Read More

DIMPLE STAR FRANCHISE KANSELADO NA

Matapos ang siyam na imbestigasyon at pag-aaral, nagpasya na ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na tuluyan nang kaselahin ang buong prangkisa ng ng Dimple Star bus fleet. Ginawa ito ng LTFRB makaraang mapatunayang maraming pagkakasalang nagawa ang Dimple Star laban sa mga mananakay. Tampok dito ang vehicular accident na naganap noong March 20 sa Sablayan, Occidental Mindoro kung saan 19 ang namatay at 21 ang nasugatang mga pasahero. Maliban diyan, nasangkot din ang Dimple Star sa walong aksidente na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 134 iba…

Read More

DUTERTE: ‘MAY PROBLEMA SA ILLEGAL DRUG OPS’

duterte-30

(Ni LILIBETH JULIAN) Pinagdududahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng ilang pulis laban sa mga taong sangkot sa iligal na droga at iba pang kriminalidad, kaya gusto niyang maglunsad ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kanyang talumpati, tinumbok ng Pangulo na maraming pulis ang patuloy na sumasabit sa operasyon laban sa mga iligal na droga o iba pang krimen. Kinuwestiyon ng Pangulo ang “iligal na pamamaraan” ng ilang mga kasapi ng PNP sa pagpatay sa mga drug suspect. Kaya,…

Read More