NEGATIBONG KARANASAN NG IBANG BANSA SA CHINESE PROJECTS RAMDAM NA SA PINAS

(Ni BERNARD TAGUINOD) Hindi pa man nagsisimula ang mga proyektong popondohan ng China sa Pilipinas ay ramdam na ng mga Filipinong manggagawa ang masamang karanasan ng ibang bansa na pinautang ng China sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI). Ito ang pahayag ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano kasunod ng mga ulat na maraming Chinese nationals na ang nagtatrabaho sa Pilipinas ngayon pa lamang lalo na sa mga construction industry. Ayon sa mambabatas, karamihan sa mga bansang pinautang ng China para itayo ang mga imprastraktura sa kanilang bansa ay…

Read More

TAMA NA ANG POLISYA, AKSYON NA – GMA

(Ni BERNARD TAGUINOD) Panahon na para mapakinabangan ng mamamayan ang mga batas na ginawa ng Kongreso na sumuporta sa mga polisyang inilatag ng administrasyon lalo na’t paubos na ang oras ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pakikipagkuwentuhan sa mga mama-mahayag dahil hanggang ngayon ay hindi pa ramdam ng mamamayan ang bunga ng mga batas na ginawa umano ng Kongreso at maging ang mga inilatag na economic policy ng adminitrasyon para matulungan ang taumbayan. “During the first 2-1/2 years of President Duterte’s term,…

Read More

MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA MGA BATA  PINAGTIBAY

(Ni NOEL ABUEL) Pinagtibay ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang maghihigpit sa patakaran na magbibigay ng seguridad sa mga bata. Sa pagdinig ng Bicameral conference committee, nagkasundo ang mga senador at mga kongresista na paigtingin ang kampanya sa seguridad ng mga bata  sa aksidente sa lansangan. Nagkasundo sina Senate Chommittee on Public Services, chaired Senador Grace Poe, at House Committee on Transportation, ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na dagdagan ang probisyon ng Senado sa panukalang agreed to adopt major provisions in the Senate version Senate Bill 1972…

Read More

MANGINGISDANG PINOY TINIYAK NA ‘DI MAHAHARAS NG CHINA- PANELO

(Ni LILIBETH JULIAN) Bunsod ng ulat na insidente kamakailan hinggil sa pagtataboy ng Chinese Coastguard sa mga mangingisdang Pinoy at isang TV news team sa Panatag Shoal, tiniyak ng pamahalaan na hindi makararanas ng anumang pangha-harass ang mga Pinoy mula sa China. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi makapapayag ang pamahalaan na may maganap na harassment dahil kikilos ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Wala pong mangyayaring harassment, siguradong may gagawing hakbang dito si DFA Secretary Teddy “Boy” Locsin,” wika ni Panelo. Sinabi ni Panelo na may…

Read More

BUKAS DAPAT ANG ILAW GABI’T ARAW

(Ni BERNARD TAGUINOD) Bukod sa malaking plaka, oobligahin na ang lahat ng mga motorcycle riders na magbukas ng kanil-ang ilaw hindi lang sa gabi kahit sa araw dahil kung hindi ay susuka ang mga ito ng hanggang P10,000 multa. Ito ay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8322 o An Act Requiring the Mandatory Compliance by all motorcycle riders and opera-tors to automatically turn on and ride with their headlights and on at all hours of the day and night on…

Read More

BUHAY NG 2018 BUDGET EXTENDED NG 1 TAON

(Ni NOEL ABUEL) Pinalawig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang buhay ng 2018 national budget upang masigurong hindi madiskaril ang mga nakaprogramang proyekto tulad ng rehabiitasyon ng Marawi City. Sa botong 194 pabor, 6 ang tumutol at zero abstention, lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Joint Resolution (HJR) No. 32 kung saan puwedeng magamit ang 2018 national budget hanggang Disyembre 2019. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, hanggang Disyembre 31, 2018 lamang puwedeng magamit ang 2018 national budget at ang mga pondong hindi nagamit ay ibabalik sa…

Read More

2 RETIRADONG PARAK PATAY SA AMBUSH

TALISAY CITY, Cebu –  Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang  retiradong pulis ng hindi ikilalang suspek sa Barangay Tabunoc, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa report, Lilian ng motorsiklo sina Edgar Causon at Ferdinand Navales, parehong galing sa kapihan, nang sila ay pagbabarilin sa Bacalso Avenue. Ayon kay Chief Insp. Ardy Cabagnot, deputy chief ng Talisay police, unang binaril si Causon na posibleng target ng suspek. Bumunot aniya ng baril si Navales kaya pinaputukan din siya. Lumitaw na dating nakatalaga  sa region 7 ang dalawang biktima na nagretiro noong 2017.…

Read More

KOTSE NAG-DIVE SA DAGAT, DRIVER PATAY

SAMAL, Davao del Norte — Hindi na nakaligtas ang isang lalaki at tuluyan na itong binawian ng buhay makaraan mahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa dagat sa distrito ng Babak, nitong Linggo ng gabi. Paakyat sana ng barge ang Innova na minamaneho ni Fernando Pacaldo ngunit dumiretso ito sa dagat at nabangga pa ang isang taong paakyat ng barko bago ito tumilapon. Nakuha mula sa lumubog na sasakyan si Pacaldo at isinugod sa ospital ngunit idineklarang ding dead on arrival habang nakaligtas ang isang lalaking nabangga niya. “Medyo mahirap na…

Read More

PUGANTE PATAY SA BUY-BUST

MINDORO- PATAY ang isang drug suspect na dating preso matapos na manlaban umano sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Puerto Galera, Mindoro, noong Linggo. Ang napatay na nakilalang  si Dencio Gayod, ay umano sa anim na presong nakatakas mula sa San Pedro Police Station noong Mayo ng nakaraang taon. Nanlaban umano si Gayod nang malaman niyang mga pulis ang ka-transaksiyon niya sa isang drug deal. Nakuha mula sa suspek ang 13 sachets ng hinihinalang shabu, marked money na P1,000 ang halaga at kalibre .38 baril. 346

Read More