CAGAYAN DE ORO CITY – Ilang estudyante ang naaktohan ng mga awtoridad dito na nagpa-party sa loob ng bar at naglalaro ng online games sa internet cafe sa oras ng klase. Nahuli ng mga tauhan ng Regulatory and Complaint Board (RCB) ang mga estudyante sa loob ng mga establisimiyento. Depensa ng mga estudyante, hindi sila pumasok sa klase para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang kaklase. Sinabi ni Atty. Edgardo Uy, chairman ng RCB, lumabag sa ordinansa ang mga establisimiyento nang payagan ang mga menor de edad. Isinailalim naman ng City…
Read MoreAuthor: admin
PUSHER PINATAY SA TULAY
(Ni SAMANTHA MENDOZA) Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman, kahapon ng madaling araw sa ibabaw ng Zamora Bridge sa Pandacan, Maynila. Sinabi ni PCInsp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District -homicide section, ang biktima na nasa edad 40-45 ,miyembro ng Sputnik Gang base sa kanyang tattoo ay nakitang duguan nakahandusay sa eastbound lane ng tulay dakong alas 3:45 ng madaling araw. Nabatid sa pulisya, wala ni isa sa lugar ang nakasaksi sa pamamaril pero hinalang sangkot ang bik-tima sa pagtutulak…
Read More2 DALAGITA NAAKTUHANG NAKIKIPAGTALIK SA ISANG VIDEOKE BAR
(Ni CHE ALMADIN) Nasagip ang dalawang menor de edad na babae na nahuling nakikipagtalik sa isinagawang raid sa isang videoke bar ng mga tauhan ng Navotas City Police Maritime Group sa Lungsod ng Navotas City Fish Port kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Navotas Maritime Police Station chief Supt. Marlon Camatoy, ganap umanong alas 11:00 ng gabi nang magsagawa ng raid ang mga tauhan ng nasabing himpilan sa pamumuno ni PInsp. Ferdinand Hermoso sa La Cebuana Videoke Bar sa Market II. Na-rescue rito ang dalawang dalagitang nasa edad 16 at…
Read MorePAGHIHIGPIT NG PNP, AFP BAHAGI NG MO NO. 32
(Ni LILIBETH JULIAN) Mahigpit na pinakikilos ng Malacanang ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa apat na lugar sa bansa na kinumpirmang may mataas na insidente ng karahasan at banta ng terorismo. Ito ay matapos na pinal na lagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order No. 32, na nag-aatas sa PNP at AFP na paigtingin ang kanilang puwersa para labanan ang lahat ng anumang uri ng karahasan sa mga lalawigan ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol region. Nakapaloob…
Read MoreNAGPALAGLAG, KAKASUHAN
(Ni SAMANTHA MENDOZA) Sasampahan ng kasong abortion ng Manila Police District (MPD) ang isang 23 anyos na babae dahil sa paglabag nito sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) matapos kumpirmahin ng doktor na nag “induced abortion ” ito kaya nalaglag ang fetus sa kanyang sinapupunan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Nakaratay sa nabanggit na hospital ang suspek na si Ana, di tunay na pangalan matapos na isugod sa pagamutan nang hindi tumigil ang pagdurugo ng kanyang ari. Nabatid na dakong alas 11:40 ng gabi ng itawag sa Manila…
Read MoreMANDATORY ROTC SINUPORTAHAN SA KAMARA
(Ni BERNARD TAGUINO) Nakakuha ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang planong ibalik ang mandatory Reserved Officer Train-ing Corps (ROTC) upang maibalik ang pagiging makabayan at pagmamahal ng mga kabataan sa bansa. Ayon kay House committee on national defense vice chaiman Ruffy Biazon ng Muntinlupa City, nakahain na ang kanyang panukalang gawing mandatory ang ROTC o House Bill No. 1260, na ihinain nito noong Hulyo 2016 pa. “I join President Duterte in his view that mandatory military training be included in schools in order to inculcate pat-riotism, service and…
Read MorePULIS CALOOCAN TINUTUGIS SA QC MASSACRE
Isang pulis na hinihinalang responsible sa pagpatay sa isang mag-anak sa Quezon City ang tinutugis ng mga awtoridad, ayon sa pulisya kahapon. Sa salaysay ng mga saksi, pinaulanan ng bala ng isang pulis ang mag-asawang Romeo at Christina Ado at 10 anyos na anak habang natutulog sa loob ng kanilang bahay. “Ongoing manhunt, identified na natin (ang suspek) at nakikipag-coordinate na kami sa kaniyang mga superior upang mapalutang ang suspek,” ayon kay Quezon City Police District director, Chief Superintendent Joselito Esquivel. Nakatalaga sa Caloocan Police ang suspek na umano’y idinemanda…
Read MoreMEDIA KILLING BIGO PA RING LUTASIN
(Ni NOEL ABUEL) Bigo pa rin ang pamahalaan na lutasin ang mga kaso ng pinapatay sa mga mamamahayag sa bansa. Ito ang pahayag na ginawa ni Senador Francis Pangilinan kasabay ng pag-alala sa 9-taong paghahanap pa rin sa hus-tisya sa sinapit ng 58 mamamahayag sa Maguindanao “We can only count the years that have gone by since the massacre of 58 people in Maguindanao, but we have nothing to reckon as victory,” ayon pa kay Pangilinan. “Nine years later, the same conditions that led to the massacre persist — the…
Read MoreDALAGITA IBINUGAW NA, MALALASWANG LARAWAN IPINAKALAT PA SA FB
(Ni CHE ALMADIN) Arestado ang 43 anyos na construction worker matapos na ikalat nito sa Facebook ang mga hubad na larawan ng 15- anyos na dalagitang ibinugaw niya sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni PO2 Mary June Belza ng Malabon City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), kinilala ang suspek na si Ricky Sigovia alyas Renz Valdomar, 43 anyos ng Room 205, Bldg. II, MRV, Barangay San Roque, Lungsod ng Navotas. Pinaghahanap naman ang kasama nitong nakilalang si Jhenel “AJ” Ramos na umano ay…
Read More