CONTINGENT AT INTEL FUND NG PANGULO, ILAAN SA HEALTH WORKERS

IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na gamitin ng gobyerno ang P13 bilyon na contingent fund at P4.5 bilyon na intelligence fund ng Office of the President upang maibigay ang cash aid sa mga healthworker na nasawi at tinamaan ng COVID-19. Sa gitna ito ng pagtatapos ng bisa ng Bayanihan to Heal as One Act kung saan nakapaloob ang probisyon para sa paggawa ng tulong sa mga public at private health worker. Iginiit ni Drilon na maraming paraan upang mapondohan ang pangangailangang kompensasyon. Sa ilalim anya ng 2020 General…

Read More

Kung walang ayuda sa gobyerno MGA PRIBADONG PAARALAN, MAGSASARA

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na posibleng magsara ang mga pribadong paaralan kung hindi mabibigyan ng ayuda ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic. Iminungkahi ni Gatchalian na gawing bahagi ang mga guro at kawani ng mga pribadong paaralan sa Small Business Wage Subsidy o SBWS na programa ng Department of Finance o DOF. Sa ilalim ng programa, bibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ang mga empleyado ng maliliit na negosyong apektado ng Enhanced Community Quarantine o ECQ. Isinusulong din ni Gatchalian ang pagpapalawig sa programang Government Assistance to Students and…

Read More

ENCODER TIMBOG SA SEXTORTION

CAVITE – Arestado ang isang 28-anyos na encoder makaraang pagbantaan ang isang dalagang estudyante na ilalabas sa social media ang mga hubad na larawan nito kung tatangging makipag-sex sa suspek sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong grave Coercion, grave threat at paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act) ang suspek na si Edner Linezo, binata, ng Apogan St., Caingin, Maragondon, Cavite dahil sa reklamo ng biktimang si Mylene, 18, ng Ternate, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Gayyed Jr. ng Ternate Municipal Police Station, dakong…

Read More

TULONG SA OFWs NA UMUWI SA DAVAO REGION, UMABOT NA SA P31-M

DAVAO City – Aabot sa P31 milyong halaga ng tulong ang naipagkaloob sa mahigit 1,000 overseas Filipino workers na nakauwi sa Davao Region, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE-XI). Sinabi ni DOLE-XI Mediation Arbitration and Legal Services Unit chief, Atty. Connie Torralba, simula nang tumama sa buong mundo ang coronavirus disease, kabilang sa mga lubhang apektado ang OFWs dahil karamihan sa pinaglilingkuran nilang mga establisiyemento ay nagsarado. Ayon kay Torralba, ito ang dahilan kung bakit gumawa ng inisyatibo ang DOLE upang makatulong sa mga OFW sa…

Read More

SUMALPOK SA CENTER ISLAND, RIDER PATAY

CAVITE – Hindi na naisalba ang buhay ng isang 27-anyos na lalaki nang sumampa sa center island ang minamanehong motorsiklo sa Dasmarinas City sa lalawigang ito. Namatay habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmarinas City ang biktimang si Jonathan Ron Panaligan, ng Block 4, Lot 1, Phase 2, San Jose Town Homes, Pasong Camachile, Gen. Trias City. Ayon sa ulat ni Patrolman Norman Guerra ng Dasmarinas City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo binabagats ang kahabaan ng Governor’s Drive dakong alas-3:45 ng madalaing araw nang pagsapit sa harapan ng…

Read More

BAYAW NI MISIS, ITINUMBA NI MISTER

CAVITE – Bunsod nang matinding selos pinagsasaksak at napatay ng isang lalaki ang bayaw ng kanyang misis sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito. Hindi umabot nang buhay sa Maragondon Municipal Hospital ang biktimang si Jonnel Dolloso, 36, ng Sitio Ubasan, Brgy. Poblacion 1A, Ternate, habang arestado naman ang suspek na si Rowel Rodriguez. Sa ulat ni P/SMsgt, Andres Agcaoili ng Ternate Municpal Police Station, dakong alas-6:30 noong Biyernes ng gabi, nang dumating ang biktima sa kanilang bahay ang biktima ay bigla na lamang itong pinagsasaksak ng suspek. Nauna rito,…

Read More

4 SUNDALO PATAY, 17 SUGATAN SA ABU SAYYAF

SULU -Apat na mga tauhan ng Philippine Army ang namatay habang 17 pa nilang kasamahan ang nasugatan makaraan ang sagupaan ng mga tauhan ng mga Western Mindanao Command at mga Abu Sayyaf terrorist sa bayan ng Patikul sa lalawigang ito. Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng WESTMINCOM, nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 6th Special Forces Battalion nang masabat ang 40 kasapi ng local terrorist group sa Sitio Lagaron, Brgy. Kan-Ague sa Patikul. Agad nagkaroon ng matinding sagupaan na tumagal may 40 minuto bago tuluyang umatras ang…

Read More

2 BATA PATAY, 3 SUGATAN SA LANDSLIDE SA DAVAO

DIGOS City – Binawian ng buhay ang magkapatid na bata makaraang gumuho ang kanilang bahay dahil sa landslide sa Sitio Batangon, Brgy. Binaton sa llungsod na ito. Kinilala ni Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, hepe ng Digos City Police Office, ang mga biktimang sina Roniel Jay Laguna, 13, at Roxel, 10-anyos. Habang sugatan naman ang 7-anyos na kapatid ng mga biktima, inang si Mary Jean, 29, at amain na si Dommy Aquil, 31- anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, bumuhos ang malakas na ulan noong Huwebes ng gabi at dakong…

Read More

MARIPOSA HOTEL, IPINASARA

RIZAL – Tuluyang ipinasara ni Taytay Municipal Mayor Joric Gacula ang Mariposa Hotel na lantarang lumabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 dahil sa patuloy na operasyon sa kabila na ang kanilang bayan ay nasa ilalim ng general community quarantine. Sa pangunguna nina Taytay Tourism Department head Rod Santos, Taytay Business Permit and License Officer Judith Ines, Taytay Police Chief, Major Rodel Ban-o, tinungo ang mga awtoridad noong Biyernes ang Mariposa Budget Hotel at ipinad-lock ang nasabing establisimiyento Bago tuluyang ipinasara ang hotel, inabisuhan ang lahat ng mga…

Read More