NAPAKINGGAN ng Malakanyang ang sentimyento at naiintindihan ang kahalagahan ng mga manggagawa sa pagko- commute mula sa kanilang tirahan patungo sa kanilang trabaho at vice-versa kapag muling binuksan ang ekonomiya. Dulot nito, binuksan na ng Department of Transportation ang (8) city bus routes noong nakaraang linggo at sa naging kautusan ng Pangulo, ay dinagdagan pa ito ng 3 na pumasada na rin ngayong araw, Hunyo 8, at mas maraming rationalized routes sa mga susunod na araw. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kailangan nila kasing ikonsidera ang Metro Manila…
Read MoreAuthor: admin
POKWANG AT LEE, BONDING NGAYON ANG PAG-AALAGA SA ANAK
SOBRANG tutok ngayon sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Malia sina Pokwang at Lee O’Brian. Stranded sa probinsya ang kasamahan ng magkasintahan sa bahay kaya nagsisilbing bonding umano ang pag-aalaga sa bata. “Yes, bonding talaga namin. Hands-on kami ngayon dahil wala ang kanyang yaya,” nakangiting pahayag ni Pokwang. Dalawang taong gulang na ngayon si Malia. Limang taon na ring magkarelasyon sina Pokwang at Lee pero mayroon pa ring ilang kumukuwestiyon kung talagang tunay ang hangarin ng aktor sa komedyana. “Actually hanggang ngayon, pinagdaraanan pa rin namin ‘yan eh. ‘Yung…
Read MoreYOUTUBE MUNA BAGO TULONG?
DAGDAG na kita ang hanap ngayon ng mga OFW dahil karamihan sa kanila ay talagang naapektuhan ng ‘No-Work, No Pay’ policy. Marami ng OFW ang sumubok na online selling katunayan maging ang kanilang mga lumang damit at kasangkapan ay ibinebenta na rin. Meron din namang mga OFW na bihasa sa information technology ang nagsimula na rin mag-’monetize’ ng kanilang YouTube account. Ang pag-monetize ng isang YouTube account ay nakakamit lamang kung mapapansin ng YouTube administrator na ang iyong YouTube account ay tinatangkilik ng maraming subscriber o followers. Nakadepende ito sa…
Read MoreREKLAMO NI BBM SA ‘PANDARAYA’ NI LENI, MAS MAHALAGA KAYSA PRANGKISA NG ABS-CBN
BASAHIN n’yo muna at unawaing mabuti kung bakit ganyan ang paksa ko ngayon, bago kayo magbigay ng reaksyon. Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) Corporation upang ipawalang bisa ang pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa operasyon ng kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez noong Mayo 5. Habang nag-aantay ang pamilya Lopez, sa pangunguna ni Eugenio “Gabby” Lopez III, sa desisyon ng Korte Suprema, nanghihingi na sila ng panibagong 25 – taong prangkisa ng ABS-CBN sa mababang kapulungan ng Kongreso. Kapag nagdesisyon ang Mataas…
Read MorePANIBAGONG PAGSASADISTRITO NG RIZAL, KASADO SA KONGRESO
APRUBADO na sa ikatlong pagbasa ang panukalang maghahati sa Ikalawang Distrito ng Rizal sa tatlong legislative districts. Isang positibong hakbang ang pagkakapasa ng House Bill No. 6222 habang kinakaharap natin itong pandemya. “Forward Looking” ika nga. Inihahanda nito ang ating mga nasasakupan sa muling pagbangon ng mga kabuhayan sa mga bayang nasa 2nd District. Sa benepisyong dala ng redistricting na ito, umaasa tayo na ang nabanggit na panukala ay makalulusot sa pagbusisi ng Senado at lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon. Inihain natin ang ‘ reapportioning’ upang…
Read MoreSOLON: UNAHIN ANG MAHAHALAGANG PANGANGAILANGAN NG MAMAMAYAN
NANAWAGAN ang isa sa mga kaalyado ng administrasyong Duterte sa Senado na bigyan ng pamahalaan ng kaukulang pansin ang mahahalagang pangangailangan ng mamamayan ngayong malaking problema pa rin nila ang trabaho at pera sa panahong hindi pa tuluyang humuhupa ang coronavirus disease-2019 (COVID-19). Idiniin ni Senadora Nancy Binay na “Essential concerns dapat ang pagtuunan ng pansin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.” “Medyo nakaka-frustrate na sa kabila ng tumataas na bilang ng nawalan ng trabaho, mga negosyong nagsasara at mga pamilyang hanggang ngayon ay ‘di pa naaabutan ng ayuda, makikita…
Read MoreGagawing automatic sa panahon ng pandemya MORATORIUM SA UTILITY BILLS – NOGRALES
TINATRABAHO na ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magkaroon ng automatic moratorium sa pagbabayad ng utility bills sa panahon ng public health emergency. Sa ilalim ng House Bill (HB) 6960 o Utility Bills Moratorium Law na inakda ni Nograles, sinabi nitong kailangang magkaroon ng ganitong batas bilang paghahanda sa pandemya na kahalintulad ng COVID-19. “We do not wish for another public health emergency to happen, but we must be realistic in expecting that the next epidemic is right around the corner. Right…
Read MoreHEALTHY SENIORS DAPAT PAYAGANG MAGTRABAHO AT LUMABAS NG BAHAY
NANAWAGAN si Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol. Jr. sa Inter-Agency Task Force na payagang lumabas ang mga senior citizen na wala namang “underlying medical conditions” na nagpapataas ng panganib na mahawahan ng kumakalat na coronavirus disease. “Hindi naman kasi lahat ng seniors ay mahina ang kalusugan o mayroong sakit sa puso, diabetes, or immunocompromised. Maraming senior ang very healthy naman. Payagan naman sana silang lumabas sa mga kasalukuyang quarantine level,” pakiusap ni Datol, chair ng House committee on senior citizens, sa IATF. “Pag hindi na natin pinalabas yung senior…
Read MorePAGPASADA NG JEEP, BUS, HIRIT SA SENADO
HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan nang pumasada ang lahat ng jeep at bus dahil lubha nang apektado ang mga drayber na walang kinikita, mag-aapat na buwan na. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na sakaling payagang pumasada ang mga jeep at bus, dapat mahigpit na ipatupad ng mga drayber ang health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing. “Hindi lang dapat para sa mga may sasakyan ang kalsada natin. Kung may social distancing naman, bakit hindi payagan…
Read More