INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang walong indibidwal na sangkot sa illegal quarrying sa Tarlac City. Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor, ang mga arestado ay kinilalang sina Rene Santiago, Joseph Acuña, Norman Ibasco, Jeovy Mojello, Raul Laxamana, Ernesto Torres, Reynaldo Balajadia at Ryan Santos. Inaresto ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI na may nangyayaring quarry operation at processing ng mga mineral sa Brgy. Telabanca, Concepcion, Tarlac. Ang mga suspek ay inaresto dahil wala umanong maipakitang permit mula…
Read MoreAuthor: admin
1 SA ‘MORONG 43’ NAPATAY SA SAGUPAAN
ORIENTAL Mindoro – Patay ang isang babaeng umano’y health worker na miyembro umano ng NPA, at isang batang lalaking sibilyan naman ang nasugatan, sa pakikisagupa sa militar sa Brgy. Mangangan Uno, bayan ng Baco sa lalawigang ito noong Huwebes. Kinilala ni Col. Jose Augusto Villareal, Commander ng 203rd Infantry Brigade ang napatay na si Lorelyn Saligumba alyas Fara, isang political instructor ng KLG ICM Platoon Dos, at miyembro umano ng tinaguriang “Morong 43”na nagpanggap na grupo ng health workers na konektado sa NPA. Nangyari ang sagupaan ng mga sundalo at…
Read MoreONLINE SELLER DEDBOL KAY UTOL
LAGUNA – Patay ang isang 21-anyos na dalaga makaraang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid nang sermunan ng una sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Lyka Caserez de Guzman, online seller, residente ng Brgy. Market Area, Sta. Rosa City. Batay sa report ng Sta. Rosa City police, sinaksak ng kanyang kapatid na si Jaylord Caserez Magsumbol, 18, ang biktima makaraan ang mainitan nilang pagtatalo sa kanilang apartment. Magkapatid lamang sa ina ang dalawa ngunit magkasamang naninirahan sa isang bahay. Umuwi umanong lasing…
Read MoreIsa pang underground med facility sa Clark nadiskubre 3 TSINO ARESTADO SA P20-M GAMOT, COSMETICS
ANGELES City – Aabot sa halagang P20-milyon ng unregistered Chinese medicines, food and cosmetics ang kinumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Food and Drug Administration (FDA) sa nadiskubreng ikalawang undergound medical facility sa Clark Freeport Zone sa lungsod na ito noong Huwebes. Kinilala ang arestadong mga Chinese national na sina Zidong Guo, 53; Chen Weiming, 31, at Hong Qiao Lling, 28, na inabutan sa loob ng naturang ilegal na pasilidad. Base sa imbestigasyon, ang nasabing operasyon ay follow-up operation ng NBI at FDA North Luzon…
Read MoreILOG SA CALAMBA, POSITIBO SA POLIOVIRUS 3
CALAMBA CITY- Nagpositibo sa poliovirus 3 ang tubig na dumadaloy sa San Juan River at Ligasong Creek na nasa pagitan ng Brgy. Bucal at Brgy. Halang sa lungsod ng Calamba patungong Laguna de Bay mula sa. Ito ang lumitaw sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM ngayong buwan. Matapos makapagtala ng kaso ng polio sa ilang bata sa Brgy. Lingga noong nakaraang Setyembre, 2019, inirekomenda ng RITM at Department of Health ang buwanang pagsusuri sa nasabing mga ilog na sinimulan noong buwan ng Oktubre. Kaugnay nito, naglabas…
Read MoreDAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 6.5 MAGNITUDE EARTHQUAKE
INAALAM na ng National Disaster Risk Reduction Management Council kung may pinsalang dinulot ang naitalang 6.5 magnitude earthquake kahapon sa Davao Oriental. Unang napaulat na magnitude 6.6 ang tumama sa Davao Oriental, Huwebes ng hapon. Naitala ang pagyanig 437 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso bandang 4:49 hapon. May lalim na 177 kilometro at tectonic ang origin ng pagyanig na naramdaman din sa Kiamba at Glan, Sarangani (Intensity 3); Tupi, T’boli at Lake Sebu, South Cotabato; General Santos City (Intensity 2) habang Intensity 1 sa Zamboanga City. JESSE KABEL…
Read MorePDU30 BINALAAN ANG PUBLIKO SA PAGBILI NG FACE MASK SA ONLINE
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko sa pagbili ng mga produkto sa online partikular na ang face mask. Kumbinsido kasi ang Pangulo na ang mga nagtitinda sa online ng face mask ay mga scammer na nagsasamantala sa COVID-19 pandemic para makapangbiktima ng mga mamimili. “Do not fall for that thing , online-online. Nobody has perfected this thing,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address. “They are perpetrating this on the public,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. Ayon sa Chief Executive, sa ilalim ng kasalukuyang protocol sa gitna…
Read MoreDUQUE ITINURO ANG MGA TAUHAN SA NAANTALANG AYUDA SA HEALTH WORKERS
SA harap mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinisi ni Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga subordinates sa Department of Health (DOH) sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng financial assistance sa mga health worker na tinamaan ng COVID-19. Sa public address ni Pangulong Duterte ay sinabi ni Sec. Duque na hindi talaga katanggap-tanggap ang pagkakaantala sa proseso ng benepisyo para sa mga health worker na namatay habang nakikipaglaban sa COVID-19 outbreak. “Nakakahiya talaga, sir eh. Namatayan na nga tapos nagpa-wardi-warde yung mga tao ko na parang walang sense of…
Read MoreP5.1-B SHABU NASAMSAM SA BULACAN WAREHOUSE
AABOT sa humigit kumulang 828-kilos ng imported high-grade shabu na nagkakahalaga ng P5,630,400.00 ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Special Operation Unit (SOU) ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang warehouse sakop ng Meralco Village sa No. 2, Raley St., Barangay Lias sa bayan ng Marilao nitong Huwebes, dakong alas-3:00 ng hapon. Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, isang Chinese national at dalawang Pinay ang naaresto sa naturang operasyon sa warehouse na bagsakan umano ng mga imported na shabu na…
Read More