NU TEAMS KAMPEON!

NAIBULSA ng National University ang ikaapat na sunod nitong women’s championship via 6-0 sweep ng UAAP Season 82 Taekwondo Tournament sa Blue Eagle gym kamakalawa. Dinispatsa ng Lady Bulldogs ang pinakamalaking balakid sa final day ng kompetisyon, nang talunin ang University of Santo Tomas, 5-2 at University of the Philippines, 4-3 para kumpletuhin ang perfect season. Nasa kanyang huling taon sa NU, si bantamweight Baby Jessica Cabanal, 2015 Rookie of the Year mula sa Bicol, ang tinanghal na season MVP. “Sobrang saya po kasi sa whole four years na laban,…

Read More

GRETCHEN BINANATAN SI JULIA

PINAGTAWANAN  at binanatan ni Gretchen Barretto ang post ng pamangking si Julia na dumepensa sa ina nitong si Marjorie. Kamakalawa ng gabi, sunud-sunod ang post ni Gretchen sa IG Stories ng screenshots ng post ni Julia at ang mga kontra-banat niya rito. “Hilarious” ang description niya sa post. Sinabi kasi ni Julia na marami ang naiinggit sa inang si Marjorie “because you live a good life with 5 strong successful well raised children.” Sabi ni Gretchen, “Your version of truth (crying laughing emoji).” Pinaalala rin niya kay Julia na Baldivia…

Read More

STAGS HUMABOL SA HULING BYAHE

INISKOR ni Allyn Bulanadi ang 15 ng kanyang season-high 44 points upang akayin ang San Sebastian Stags sa 99-94 win kontra University of Perpetual Help Altas at hablutin ang huling byahe sa Final Four ng 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Naiiwan ng 11 puntos papasok sa payoff period, ang Altas ay umatake ng 14-1 run tungo sa 79-77 lead, nang sumandal ang Stags sa mainit na shooting hands ni Bulanadi na nagbagsak ng 15 puntos sa huling anim na minuto ng aksyon. Ang 3-point…

Read More

AMIHAN, PAGASA SA PAGTAAS NG TUBIG SA ANGAT DAM

angatdam77

NAASAHANG makatutulong ang Northeast Monsoon o Amihan para madagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam, ayon sa Pagasa. Ito ay matapos magpahayag ang Maynilad ng rotating water interruptions dahil umano sa mababang antas ng tubig sa dam. “Pagpasok ng Amihan, ideally magpapaulan siya sa east side of Luzon. Kung mas malakas, maging sa east side ng Visayas magkakaroon ng pag-ulan,” ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio. Dahil dito, inaasahan ang mga pag-ulan sa dam. Hindi pa opisyal na nagsisimula ang Amihan ngunit ito ay kadalasan sa kalagitnaan ng…

Read More

DRUG COMPANY NG INDIA HINIMOK MAGTAYO NG PASILIDAD

gamot

HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Indian pharmaceutical companies na magtayo ng operasyon sa bansa. Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na iniimbitahan  ang drug manufacturers sa India na magtayo ng manufacturing facilities sa bansa dahil isa ito sa pinakamalaking gumawa ng mga gamot sa buong mundo. Ito umano ay upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng gamot sa bansa. “We just want them to produce here para mabawasan ang presyo … First, hindi na sila ma-subject sa tariff and other trade costs,”…

Read More

ATENEO, LA SALLE SWIMMERS NAGTAMPISAW

LOS BANOS, LAGUNA – Nagparamdam agad ang reigning three-time champion Ateneo para dominahin ang Day 1 ng UAAP Season 82 Women’s Swimming Championships, Huwebes ng gabi sa Trace Aquatic Center dito. Si last year’s Most Valuable Player Chloe Daos ang unang sumisid ng para sa Lady Eagles at inangkin ang dalawang ginto sa 100-meter at 800-meter freestyle events. Kasunod nito, nakahablot pa ang Ateneo ng dalawang relay medals para makakulekta ng 101 points. Tinalo ni Daos sina rookies Erin Castrillo ng UP at Nicole Pamintuan ng La Salle sa 100-meter…

Read More

BAGYONG PERLA WALANG MALAKAS NA EPEKTO SA BANSA

BAGYONG USMAN-2

WALANG malakas na epekto sa bansa ang tropical storm Perla, ayon sa Pagasa sa kanilang huling weather bulletin. Sa kanilang advisory, wala ring naitalagang tropical cyclone wind signal na inisyu sa buong bansa. Gayunman, ang Northeasterly Surface Windflow ay makalilikha ng pabugsu-bugsong hangin sa dulo ng Northern Luzon hanggang sa susunod na lingo. Hiniling din ng Pagasa ang mga residente na patuloy na magmonitor sa mga kaganapan sa bagyo. Patuloy ding binabalaan ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa pagbiyahe sa Northern Luzon dahil sa potensiyal na malalakas na alon…

Read More

ANO’NG MERON KINA KC, APL.DE.AP?

(NI LOURDES C. FABIAN) LUMIKHA ng ingay at sari-saring espekulasyon ang ginawang pag-upload ni KC Concepcion ng photos nila ng half-Pinoy/half-American singer na member ng The Black Eyed Peas na si apl.de.ap (real name: Allan Pineda Lindo). “Started the week quite right with this awesome guy (who makes Monday feel like Friday!) @apldeap || @bep.” Bukod pa ito sa marami niyang IG story na naka-tag si apl.de.ap. Kaya naman binibiro siya ng followers niya na baka si apl.de.ap na ang kapalit ng French film producer/businessman boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart. Balitang tapos na ang relasyon nito sa…

Read More

SENATE REPORT GAGAMITIN VS NINJA COPS

doj44

(NI HARVEY PEREZ) GAGAMITIN umano ng Department of Justice(DOJ) ang Senate Blue Ribbon Committee report kaugnay sa isinasagawang reinvestigation sa kaso ng 13 Ninja cops. Ayon  kay Justice Secretary Menardo Guevarra, anumang ebidensiya na iprinisinta sa pagdinig na isinagawa ng komite ni Senator Richard Gordon ay maaring magamit sa reinvestigation ng kaso ng ninja cops. “I’m sure senator Gordon’s committee will furnish the DOJ a copy of its report. This report will surely be useful in the reinvestigation of the alleged drug recycling/ninja cops case currently being conducted by the…

Read More