MAGHAHAIN NG IMPEACHMENT ‘DI AARESTUHIN – PANELO

panelo32

(NI BETH JULIAN) HINDI aarestuhin ang sinumang maghahain ng kasong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman ito maituturing na krimen. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng naunang pahayag ng Pangulo na ipakukulong niya ang mga magsasampa ng impeachment laban sa kanya. Ayon pa kay Panelo, hindi naman literal ang sinabi ng Pangulo at nasabi lamang ito bunsod ng matinding pagkainis sa kanyang mga kritiko na hindi nakauunawa sa posisyon ng gobyerno pagdating sa usapin ng China. Sinabi pa ni Panelo na hindi…

Read More

PUBLIKO ISASAMA SA PAGBUSISI NG NATIONAL BUDGET

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na malaki ang maitutulong ng taumbayan kung maisasama ito sa paghubog ng pambansang gastusin ng pamahalaan taun-taon. Ayon kay Lacson, mas mahirapang makalusot ang tangkang pagpapakasasa sa kaban ng bayan ng mga mambabatas. Aniya, kung isasali ang publiko sa pagsusuri ng mga miyembro ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paghubog ng pambansang gastusin ng pamahalaan taun-taon ay mapipigilang maabuso at magamit sa anomalya. Sa inihaing Senate Bill 24, ni Lacson, papayagan ang publiko na makapanood nang personal at makasali sa talakayan ng…

Read More

MISSILE LAUNCH SA S. CHINA SEA IIMBESTIGAHAN

chinasea12

(NI AMIHAN SABILLO) BLANGKO pa ang Armed Forces ukol sa ulat na missile launch ng China sa South China Sea. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi nito na hindi pa nakararating sa DND ang ulat na ito ng media. Dahil dito, magsasagawa, aniya ng imbestigasyon para makapagdesisyon ng kanilang susunod na hakbang. Napag-alaman na una nang tinawag ng Pentagon nitong Martes na nakababahala ang missile launch ng China at taliwas sa pahayag nito na iiwasan nila ang militarisasyon sa naturang karagatan. Ayon pa kay Pentagon spokesperson Lieutenant Colonel Dave…

Read More

E-CIGARETTE, VAPE BANNED NA SA PUBLIC PLACES

vape22

(NI DAHLIA S. ANIN) BANNED na ng Department of Health (DoH) ang paggamit ng electronic cigarette at vape sa publiko, at ang lokal na gobyerno ang maatasang manghuli ng sinumang lalabag dito. Ayon kay DoH Undersecretary Eric Domingo, nilagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Administrative Order 2009-0007 na kasama na ang e-cigarette at vaporizers (vape) sa smoking ban. “Use of vapes and e cigarettes will be banned in places where smoking is prohibited,” sabi ni Duque Magiging epektibo na ang batas na ito pagkatapos itong mailathala sa…

Read More

JOSHUA, JULIA: TOGETHER YET APART

(NI ASTER A. AMOYO) Winakasan na nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang halos tatlong taong relasyon bilang magkasintahan pero nananati­ling “the best of friends” ang dalawa dahil na rin siguro sa kanilang career bilang magka-loveteam. Pumalo ang loveteam nina Joshua at Julia nang gawin nila ang pelikulang Vince and Kath and James na naging entry at nanguna sa takilya sa 2016 Metro Manila Film Festival. Magmula noon ay nagtuluy-tuloy ang kanilang tambalan at pagiging magkasintahan. Ang first team-up nila ay nasundan ng Love You To The Stars And…

Read More

DIGONG 8888 HOTLINE PROGRAM ILULUNSAD SA JULY 11   

duterte500

ILULUNSAD   ng pamahalaan ang programang ‘Digong 8888’ hotline. Ito ay isang television program na mapapanood sa Peoples Television o PTV 4 kung saan maaaring direktang makapagsusumbong ang publiko laban sa  mga opisyal ng gobyerno o alin mang ahensya ng pamahalaan na may naranasang hindi patas na pagtrato, mabagal na pag-usad ng proseso, insidente ng katiwalian at iba pang reklamo. Maari ring isumbong dito ang masusungit, nakasimangot at tatamad-tamad na kawani o opisyal ng gobyerno  o maging ang patuloy na operasyon ng mga fixers sa alin pa mang departamento, ahensya, o…

Read More

MRT-3 ‘DOOR FAILURE’ NAGPABABA SA HIGIT 800 PASAHERO

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) NAPILITAN ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pababain ang kanilang 850 train passengers nang magkaaberya ang sinasakyang tren ng mga ito sa area ng Mandaluyong City, ngayong Miyerkoles ng umaga,  sa kasagsagan pa naman ng rush hour. Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, nabatid na alas-6:30 ng umaga nang maganap ang aberya sa northbound lane ng Shaw Boulevard station. Dumanas umano ng ‘door failure’ ang sinasakyang tren ng mga pasahero, kaya’t napilitan silang pababain ang mga ito sa naturang istasyon para na…

Read More

COURTESY DIPLOMATIC PASSPORTS KANSELADO NA

dfalocsin12

TULUYAN nang kinansela ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang 172 courtesy diplomatic passport na inisyu sa mga retiradong ambassadors. Sa panayam, sinabi ni Locsin na ang maaari lamang umanong gawin ng mga may hawak ng naturang passport ay pumunta sa kanyang tanggapan at posibleng mai-renew ito. Nauna nang inihayag ng DFA ang kanselasyon ng courtesy diplomat passports na inisyu sa mga diplomats matapos ang nangyari kay dating Foreign secretary Albert Del Rosario na pinigilan makapasok sa Hong Kong airport. Dadalo sana si Del Rosario sa isang business meeting sa…

Read More

DU30 SA PAF: MALAMPAYA ATIN, INGATAN NATIN

(NI BETH JULIAN) PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na ingatan at pahalagahan ang mga gamit na kanyang binili dahil maaaring hindi na maibigay ng susunod na administrasyon ang kanilang mga hiling. Sa talumpati ng Pangulo sa ika-72 anibersayo ng Philippine Air Force  sa Villamor Air Base nitong Martes, direkta niyang inihayag ang pagpapaalala kasabay ng pagbibigay papuri sa mga kasapi ng PAF. Nagpapasalamat din ang Pangulo sa pag-protekta sa Malampaya natural gas plant. “Atin ang Philippine Rise, atin ang Malampaya natural gas plant,”…

Read More