DALAWANG buwan bago sumiklab ang July 20 welterweight showdown sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Keith “One Time” Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, tila umaapaw na ang kumpiyansa ng huli na kanyang tatalunin ang Pambansang Kamao. Deklara ni Thurman: “Manny Pacquiao is beatable. He’s been beaten before in his career. He’s a fan favorite and a legend. For me his boxing tactics are predictable. He fights in spurts and you have to take advantage of that. You have to be respectful of his…
Read MoreAuthor: Jet
45 PARTY-LIST TIYAK NA ANG UPUAN SA KAMARA
(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK nitong Miyerkoles ng Commission on Elections (Comelec) na 45 party-list groups ang tiyak nang makakukuha ng puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa isang pulong balitaan ng alas 4:00 ng hapon, o may tatlong oras bago ang proklamasyon, kabilang umano sa partylist group na ipoproklama ang ACT-CIS, Bayan Muna, Ako Bikol, Cibac, Ang Probinsiyano, 1Pacman, Marino, Probinsiyano Ako, Senior Citizens, Magsasaka, APEC, Gabriela, An Waray, Coop-Natcco, Philreca, ACT Teachers, Ako Bisaya, Tingog Sinirangan, Abono, Buhay, Duterte Youth, Kalinga, PBA, Alona,…
Read MorePRIVATE SHIPPING COMPANY HAHAKOT NG BASURA NG CANADA
(NI BETH JULIAN) BUNSOD ng matinding galit dahil sa mabagal na pag-aksyon ng Canada sa paghahakot ng kanilang basura, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na kumuha ng private shipping companies na magbabalik ng basura sa naturang bansa. Sa press briefing nitong Miyerkoles ng hapon sa Malacanang, nagbaba na ang Pangulo direktiba para mismong ang gobyerno na ng Pilipinas ang mismong hahakot ng basura ng Canada para dalhin sa baybaying dagat na sakop ng nasabing bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, lubhang…
Read MoreIMPLEMENTASYON NG 4Ps PIRMADO NA NI DU30
(NI BETH JULIAN) PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang paglagda ng Pangulo ay nagpapatibay nag awing permanente ang 4Ps na programa kung saan direktang nagbibigay ang gobyerno ng cash grants sa mga piling mahihirap na pamilya na naglalayong tulungan ang mga ito sa larangan ng nutrisyon, kalusugan at edukasyon. Si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagsimula ng programa at ipinagpatuloy lang ni dating pangulong Benigno Aquino III. Base sa RA 11310, sinabing maaring umabot sa pitong taon ang pagbibigay ng…
Read MoreENDO WINAKASAN NA SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) BILANG na ang araw ng mga employers na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa nito matapos ipasa sa huli at ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang pagbasura sa endo. Nagkaisa ang mga miyembro ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development na ihabol na maipasa ang Senate Bill No. 1826, na mas kilalang Endo bill na naglalayong ipagbawal ang labor-only contracting. “We longed for this day to come, especially our workers who have suffered because of the evils of endo, a practice which corrupts the…
Read MoreSA WAKAS; MAGIC 12 PROKLAMADO NA MAKARAAN ANG 9-ARAW
(NI HARVEY PEREZ) NAIPROKLAMA — makaraan ang ilang araw na pagkaantala — Miyerkoles ng umaga ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong kandidato sa pagka- Senador at mga partlist groups sa natapos na midterm elections noong Mayo 13. Nalaman na siyam na araw matapos ang halalan bago naiproklama ng Comelec na tumatayong mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC), nang sabay-sabay nitong Miyerkoles ang 12 senador at mga party-list groups. Alas-10:30 ng umaga nang isagawa ang proklamasyon sa mga nanalong kandidato. Habang alas-7 naman ng gabi iprinoklama…
Read MoreBAM TANGGAP ANG PAGKATALO
(NI NOEL ABUEL) TINANGGAP na ni Senador Bam Aquino ang pagkatalo nito sa senatorial race sa katatapos lamang na 2019 midterm elections. Ayon sa senador, kahit umano hindi ito pinalad na makakuha ng pangalawang termino ay hindi umano nauubos ang pagmamahal nito sa bayan at kagustuhang manilbihan sa taumbayan. “Napakalaking karangalan ang manilbihan sa taumbayan kaya’t lubus-lubos ang pasasalamat ko sa mga nakatrabaho at sumuporta sa akin sa loob ng anim na taon at sa mga walang pagod na nangampanya nitong nakaraang mga buwan,” sabi nito. Magtatapos ang termino ni…
Read MorePINAS PINAGPOPROTESTA NG MGA SOLONS VS CHINA
(NI NOEL ABUEL) DAPAT na magprotesta ang Pilipinas laban sa Chinese government kaugnay ng masamang sinapit ni dating Supreme Court Justice at ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paliparan ng Hong Kong noong Martes. Ito ang hamon ng ilang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano katanggap-tanggap ang nangyari sa pamilya ni Morales at sa lahat ng Filipino sa buong mundo. Ayon kay Senador Risa Hontiveros malinaw na isang uri ng ganti kay Morales ang ginawa nitong pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng Chinese government sa International Criminal…
Read MorePANINIKTIK NG CHINA GAMIT ANG HUAWEI, WALANG EBIDENSYA – PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) PINAG-AARALAN na ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang babala ng Estados Unidos kaugnay sa pagiging banta sa national security ng Huawei. Ginawa ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac ang pahayag bilang reaksyon sa kautusan ni US President Donald Trump na ipagbawal nang tuluyan sa kanilang bansa ang nasabing kompanya dahil ginagamit na pang-espiya umano ng China. Sa ngayon, ayon kay Banac, wala pa silang nakikitang mga balidong dahilan para sabihing nag-eespiya ang China sa Pilipinas gamit ang mga produkto ng telecom company na Huawei. Ayaw namang magkomento…
Read More