HIGIT 100 MAINTENANCE MED TAX-FREE NA

gamot

MAHIGIT 100 brand ng maintenance medicine ang exempted na sa value added tax bilang pagtugon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ayon sa Department of Finance (DOF). Sinabi ng DoF na mahigit sa 100 gamot at kanilang generic name at brand para sa sakit na diabetes, hypertension at high cholesterol ang VAT-free na ngayon. Kabilang umano sa mga gamot na reseta ng mga doktor at Metformin para sa diabetes Amlodipine sa hypertension at Simvastatin para sa mataas na cholesterol. Ang kumpletong listahan ay ilalabas ng…

Read More

PINOY TIWALA PA RIN SA AMERIKA

(Ni FRANCIS ATALIA) MAS pinagkakatiwalaang bansa ng mga Filipino ang Estados Unidos, ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia. Lumitaw sa datos nang isinagawang pagsisiyasat, mula December 14 hanggang 21, na 84 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing Amerika ang pinagkakatiwalaan nilang bansa. Mataas din ang porsiyento ng mga nagtitiwalang Pinoy sa mga bansang Japan (75 percent), Great Britain (57 percent), ASEAN (82 percent) at APEC (80 percent). Samantala, nasa 60 percent naman ng mga Pinoy ang hindi nagtitiwala sa China kahit na nakikipagmabutihan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit…

Read More

GUSOT SA PASSPORT DATA MESS ISINISI SA GOBYERNO

pass

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong dapat sisihin sa itinakbong personal data ng mga passport holders ay walang ibang iba kundi ang gobyerno mismo dahil ang trabahong nakaatang sa kanila ay isina-subcontract sa pribadong kumpanya. Ito ang paninisi ng grupong Bayan Muna party-list dahil imbes na pagtulungan ng government agencies tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Printing Office (NPO) ang pag-imprenta ng pasaporte ay ibinigay sa  United Graphic Expression Corporation (UGEC). “Ito kasi ang hirap kapag sinusub-contract sa mga private corporations ang mahahalagang gawain na gobyerno lang dapat ang…

Read More

PASSPORT DATA MESS PROBE UUMPISAHAN NA

data

UUMPISAHAN na ng National Privacy Commission (NPC), katulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang imbestigasyon sa passport data mess upang mabatid kung nagamit ang mga datos sa illegal na aktibidad. Sinabi ni NPC Commissioner Raymundo Liboro na wala pa silang nakikitang senyales na ang mga nawawalang datos ay nagamit sa illegaidad dahil kadalasan umano ay nailalabas agad ang ilan sa mga ito o naibebenta. “Mabilis malaman kung nakapagbenta sila ng ilang impormasyon. So far, wala naman,” sabi ni Liboro. Nakatakda din umanong makipagpulong sina Liboro sa mga opisyal ng…

Read More

PALASYO NAKATUTOK SA PASSPORT DATA LOSS

passport

NAGLABAS na din ng statement, Lunes ng umaga , ang Malacanang at suportado ang imbestigasyon sa mga nawawalang passport data kasabay ng pagsabing seryoso at hindi dapat balewalain ang insidente. Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na itinalaga na ang National Privacy Commission na mag-imbestiga matapos ibunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na nagkaroon ng passport data loss nang tangayin ng outsourced passport maker ang applicant’s data nang tapusin ng gobyerno ang kontrata nito. Sinabi ni Panelo na hindi dapat matapos lang ang imbestigasyon sa kung nagamit sa…

Read More

ANDAYA SUSUGOD SA SC; DIOKNO PIPITPITIN

andaya

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGHAHAIN ngayong umaga sa Korte Suprema ng Writ of Mandamus si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., para obligahin ang Department of Budget and Management (DBM) na ituloy ang 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4. Ito ang inanunsyo ng tanggapan ni Andaya ukol sa kanyang ihahaing petisyon sa Korte Suprema ngayong alas-11:00 ng umaga dahil ipinagpaliban ang 4th tranche ng SSL 4 dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget. Ang mandamus ay isang hudisyal na remedyo sa anyo ng isang utos mula sa isang superyor na korte,…

Read More

HIV SEMINAR SA OFWs

pinoy

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG dumaan muna sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) seminar ang mga overseas Filipino workers (OFWs) bago lumipad sa ibang bansa. Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act na inaasahang makakatulong upang makontrol na ang pagdami ng mga Filipino na biktima ng HIV na nauuwi sa Acquired Immuno Deficiency Syndrom (AIDS). Ayon kay OCT-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, kasama ang  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga ahensyang magpapatupad ng nasabing batas partikular na sa hanay ng mga Filipinong…

Read More

KUDETA VS ANDAYA ‘DI PIPIGILAN NI GLORIA

gma200

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano si dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa makialam sa umano’y planong patalsikin sa kanyang posisyon bilang House Majority Leader si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. Sa isang panayam kay Arroyo sa Pampanga noong Sabado, sinabi nito na kapag nagkaroon ng botohan ay iboboto pa rin nito si Andaya bilang kanyang majority leader. “I am not an interventionist person on political matters. I already said many times in my speeches,” ani Arroyo matapos matanong hinggil sa umano’y plano ni Camarines Sur…

Read More

‘NAT’L ID ILAYO SA PALPAK NG DFA’

PASSPORT

(NI BERNARD TAGUINOD) TIYAKING hindi mangyayari sa national ID system ang pagkawala ng personal data ng mga passport holders matapos itakbo umano ito ng dating kontraktor ng e-passport. Ito ang panawagan ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa Philippine Statistics Authority (PSA) at National Privacy Commission (NPC) matapos mabunyag ang pagkawala ng mga personal data ng mga passport holders sa Department of Foreign Affairs. Sa ngayon ay naghahanda na ang PSA, NPC at iba pang ahensya ng gobyerno para iimplementa ang ID System sa bansa kung saan bawat mamamayang Filipino ay magkakaroon na ng…

Read More