(NI ABBY MENDOZA) KUMPIYANSA si Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano na maiuuwi ng Pilipinas ang kampeonato sa 2019 Southeast Asian Games sa kabila ng ibat ibang kontroebrsiya na nagsulputan kamakailan. Ayon kay Cayetano nakakaapekto ang timing ng paglutang ng mga mga kontrobersiya subalit tiwala sya sa kakayahan ng Pilipinas na makukuha ang unang puwesto sa medal tally. Umaasa si Cayetano na sa ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang SEA Games ay titigil na muna ang mga kritiko upang kanilang mapagtuunan ng mabuti…
Read MoreAuthor: Jet
KYLE, FRANCINE MORE THAN BEST FRIENDS NA ANG TURINGAN
(NI BOY ABUNDA) MAHIGIT pa sa matalik na magkaibigan ang turingan ngayon nina Francine Diaz at Kyle Echarri. Naging malapit sa isa’t isa ang tambalan ng KyCine mula nang magkasama sa teleseryeng ‘Kadenang Ginto’ at ngayon ay mayroon nang espesyal na ugnayan ang dalawa. “Masaya po ako ‘pag nakikita ko siyang masaya. It’s one of the best feelings seeing someone especially if I’m the one who made her happy. ‘Yung pakiramdam na ang sarap pala kasama nito, ang sarap pala pasayahin ‘tong taong ‘to,” makahulugang pahayag ni Kyle. Malaki naman…
Read MoreTAX-FREE SA IMPORTASYON NG MEDICAL SUPPLIES, EQUIPMENT, IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos na gawing libre sa Customs duty at value added tax ang importasyon ng mga medical supplies at equipment. Sa kanyang Senate Bill 1171, ipinaliwanag ni Marcos na alinsunod sa Saligang Batas, tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan ng bawat tao sa tamang kalusugan subalit nagiging kapansin-pansin anya sa bansa ang unfair at unequal access sa health services. Ipinaliwanag ng senador na may 1,071 licensed private hospitals at 721 public hospitals, kabilang ang 70 pagamutan na pinamamahalaan ng Department of Health. Batay…
Read MoreSENIOR CITIZENS BIBIGYANG PUWANG SA SANGGUNIAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Lito Lapid na magkaroon ng kinatawan ang mga senior citizen sa mga lokal na sanggunian upang mas matugunan ang pangangailangan ng kanilang sektor. Sa kanyang Senate Bill 1169, isinusulong ni Lapid na amyendahan ang Local Government Code of 1991 upang magkaroon ng senior citizen representative sa bawat barangay sanggunian, municipal o city sanggunian at provincial sanggunian. Sa pagpapaliwanag sa panukala, sinabi ni Lapid na nagiging ageing population na ang Pilipinas kung saan batay sa pinakahuling pagtaya ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), sa…
Read MorePHIL ARENA TOLL PLAZA BUKAS NA
(NI ELOISA SILVERIO) BULACAN- Bubuksan ngayong Sabado sa mga motorista ng North Luzon Expressway Corporation at Maligaya Development Corporation ang Northbound entry at exit toll plaza ng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue upang mabawasan ang madalas na mabigat na daloy ng trapiko sa Bocaue interchange. Ang pagbubukas ng nasabing mga toll plaza ay isinagawa bago pa man sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games opening ceremony na gaganapin sa Philippine Arena kung saan pangunahing makikinabang dito ay ang mga motorista papunta sa mga bayan ng Sta. Maria, Pandi, Angat, Norzagaray, at mga karatig…
Read MoreSENADO KIKILOS NA RIN VS E-CIGARETTES
(NI NOEL ABUEL) HUWAG nang hintayin pa na may panibagong pasyenteng madala sa ospital o masawi bago kumilos ang pamahalaan para kontrolin ang paggamit ng electronic cigarette o vaping-associated lung injury (EVALI). Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian kung kaya’t inihahanda nito ang isang panukala na naglalayong mabantayan ang pagbebenta sa merkado ng e-cigarettes, vapes at iba pang electronic nicotine. “Let’s not wait for another patient to be confined, or even worse die, as a result of EVALI. It’s time to regulate these smoking devices and save the lives…
Read More100% SERVICE CHARGE SA EMPLEYADO OK NA SA DOLE
(NI KIKO CUETO) INILABAS na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang implementing rules and regulations (IRR) sa batas na naglalayong ibigay sa mga empleyado ang 100% na service charge na ipinatutupad sa isang establisimiyento. Sa ilalim ng IRR ng Republic Act 11360 ang service charge na makokolekta ay hahatiin sa lahat ng empleyado maliban sa mga managers. Pero nilinaw ni DOLE Undersecretary Ana Dione na ang ibibigay na parte o bahagi ng kita mula sa service charge ay nakadepende sa oras at araw at bilang ng pasok ng…
Read MoreNO VAPE ZONE RIN SA SEA GAMES
(NI JESSE KABEL) PATI foreign athletes na lalabag huhulihin TINIYAK ng Philippine National Police na hindi exempted ang mga banyagang kalahok sa 30th Southeast Asian Games sa mahigpit na pagpapatupad ng “no smoking/vaping” sa lahat ng venue ng mga gaganaping kompetisyon. Nilinaw ni PNP OIC Lt Gen. Archie Francisco Gamboa na ang mga maaaresto sa gagawing nationwide crackdown sa paggamit ng electronic cigarettes o vapes sa mga pampublikong lugar ay hindi makukulong subalit dadalhin pa rin sa presinto at iba-blotter. Ang nasabing hakbang ay kasunod ng verbal order ni Pangulong…
Read MoreFREE INSURANCE COVERAGE SA PINOY ATHLETES ISINUSULONG
(NI ESTONG REYES) ISINUSULONG ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang isang panukalang batas na magbibigay ng libreng insurance coverage sa lahat ng professional Filipino athletes na nakikipagpaligsahan sa pandaigdigang torneo. Ito ay bilang bahagi na rin ng pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga sakripisyo nila para sa bayan. Ayon kay Lapid, dapat lamang bigyan ang ating mga atleta ng insurance protection, partikular yaong mga kumakatawan sa bansa sa international competitions. “Nais nating ibigay ang nararapat na suporta at parangal para sa ating mga atleta na dugo at pawis ang…
Read More