PARAK TIMBOG SA DRUG BUY-BUST

ARESTADO ang isang 34-anyos na tauhan ng Philippine National Police – Police Drug Enforcement Group, sa inilatag na buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Group ng National Capital Regional Police Office( NCRPO) noong Lunes ng gabi sa Sta. Cruz, Manila. Kinilala ni Police Major General Jonnel Estomo, Regional Director ng NCR, ang suspek na si Police Staff Sergeant Ed Dyson Banaag, may asawa, ng Barangay San Isidro, Pasay City. Base sa ulat ni Police Lieutenant Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station, bandang alas-8:45 ng…

Read More

DOKTOR PINATAY NG AKYAT-BAHAY

NILOOBAN ng isang hindi kilalang akyat-bahay ang isang 62-anyos na doktor at pinatay sa kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Nathaniel Alunan y Aquino, physician, ng Barangay 875, Sta. Ana, Manila. Kasalukuyan pang binubusisi ang pagkakakilanlan ng suspek habang dalawang testigo ang nagbigay ng salaysay sa pulisya. Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-6:45 ng gabi nang madiskubreng patay na ang biktima sa kanyang bahay. Ayon sa imbestigasyon ni Det. Charles…

Read More

8 SUGATAN SA MAGNITUDE 5.1 LINDOL SA LEYTE

LEYTE – Walo ang naitalang nasugatan sa bayan ng Leyte, sa lalawigang ito, dahil sa nangyaring magnitude 5.1 na lindol dakong alas 8:28 noong Linggo ng gabi. Mula sa inisyal na impormasyon mula sa Leyte MDRRMO, karamihan sa mga nasugatan ay nabagsakan ng mga debris dahil sa lindol. Sa isinagawang assessment ng MDRRMO, nabatid na mayroong mga kalsada sa bahagi ng bayan ang nagkaroon ng mahabang bitak. Meron ding napinsalang simbahan na nagbagsakan ang ilang bahagi ng kisame at nasira ang ilang poste. Dahil sa takot sa malakas na pagyanig, naglabasan mula sa kani-kanilang mga bahay…

Read More

4 CARNAPPERS HULI SA CAVITE

CAVITE – Arestado ang apat na kalalakihan sa aktong nakasakay sa isang nakaw na motorsiklo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kasong paglabag sa RA 10883 (An Act Providing for a New Anti-Carnapping Law of the Philippines) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Marco Lean Pareja De Castro, 19; Aldrin Opeña Aarca, 24; Jayson Bartolomeo Cleope, 32, at John Lord Bigalbal Lumbre, 25, habang pinaghahanap ang nakatakas na si Mark Lerry De Castro, 20-anyos. Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ni Johndel…

Read More

BULKANG TAAL, KANLAON SABAY NAG-AALBOROTO

BULKANG TAAL-2

NAG-ALBOROTONG muli ang Bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng tatlong volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag, iniulat, nitong  Enero 16, 2023, Lunes, ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nabatid sa Phivolcs bukod sa pagyanig, naitala ang alert level 1 sa paligid ng Bulkang Kanlaon at pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan. Sinabi pa ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan. Ayon pa sa ahensya, pinaalalahanan nito ang lahat ng sasakyang panghimpapawid na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng ano mang…

Read More

PATAY SA LPA, SHEARLINES 28 NA

UMAKYAT na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa buong bansa dulot ng masamang panahon, ayon sa datos ng Department of National Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (DND-NDRRMC). Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, kahapon ng umaga nasa higit 1,397,296  katao o mahigit 347,105 pamilya ang naapektuhan ng serye ng mga low-pressure area at shearlines mula noong Enero 2, kung saan 11 sa kanila ang nasugatan at tatlo ang nawawala. Habang 211,940 katao o mahigit 55,774 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha…

Read More

ISA PATAY SA SUNOG SA TONDO

patay

KASAMANG natupok ng kanilang bahay ang isa umanong babaeng PWD sa Barangay 197, Matang Tubig Street, Tondo, Manila, madaling araw nitong Lunes. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa dating palengke sa Villarey Building kung saan naroroon ang biktima na sinasabing edad 30. Umabot lamang sa unang alarma bago naapula ang sunog at idineklara itong fire under control dakong 3:00 ng madaling araw. Tinatayang nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog. Patuloy…

Read More

ILANG BAHAGI NG CALOOCAN, WALANG TUBIG

WALANG dadaloy na tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City sa Enero 17 hanggang 23. Inanunsyo ng Maynilad Water Service, Inc. (MWSI) na makararanas ng water interruption ang ilan sa kanilang mga customer sa Caloocan at Quezon City mula Enero 17 hanggang 23. Sinabi ng Maynilad, ang mga pagkaantala ay dahil sa nakatakdang maintenance activities sa iba’t ibang barangay sa lungsod na bahagi ng patuloy na pagsisikap nito na mapabuti ang kanilang mga serbisyo. Ang mga bahagi ng barangay 8,12,14,16, 18, 33, 34, at 151 sa Caloocan City ay walang…

Read More

2 LTO FIXERS TIKLO SA PARAÑAQUE CITY

kulong

INIHAYAG ni Land Transportation Office-National Capital Region-West (LTO-NCR-West) Regional Director Roque I. Verzosa III ang kanilang isinagawang pinaigting na kampanya at pagsisikap para protektahan ang publiko laban sa fixers kasunod ng positibong resulta ng pagkakaaresto sa dalawang suspek sa Parañaque City noong nakaraang Linggo. Ayon kay Verzosa, ang pinaigting na kampanya ay muling ipinag-utos kamakailan ni LTO Chief Jose Arturo Tugade, sa pamamagitan ng memo circulated agency-wide. Kinilala ni Verzosa ang hinihinalang fixers na sina Oliver Villanueva y Pastoral, 68, at Jarrie Sibug y Aguilar. Sa tulong ng PNP Parañaque Police Intelligence Section,…

Read More