CAVITE – Binawian ang isang siklista nang banggain ng isang ambulansya na magdadala ng pasyente sa ibang ospital sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si Reynaldo Ortiz Reformado, nasa hustong edad, subalit dakong alas-10:25 ng umaga nang ideklarang patay. Kinilala naman ang driver ng Nissan Urvan (ambulansya) na may conduction sticker na F1Q16,7 na si Romel Armiendo Armonia, nasa hustong edad Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ng driver ang ambulansya at may sakay ng pasyente at binabagtas ang kahabaan…
Read MoreAuthor: admin 2
BUSINESSWOMAN PINATAY SA CONVENIENCE STORE
BATANGAS – Patay ang isang businesswoman matapos na barilin ng dalawang gunman sa loob ng convenience store sa bayan ng Malvar sa lalawigang ito, noong Huwebes. Ayon sa report ng Malvar Police, nasa loob ng kanyang convenience store sa Brgy. Santiago, ang 55-anyos na biktimang si Eufemia Buno nang pumasok ang dalawang suspek dakong alas-7:15 ng umaga. Walang sabi-sabing binaril umano ng dalawang beses ng mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa isang naghihintay na koste at iniwan ang kanilang motorsiklo. Agad nagsagawa ng manhunt operation…
Read MoreESTUDYANTE TINANGAY NG AGOS SA LAGUNA FALLS
LAGUNA – Nalunod ang isang estudyante nang tangayin ng flash flood sa Bukal Falls sa Brgy. Bukal, sa bayan ng Majayjay sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ng Majayjay Police ang biktimang si Nathaniel Flores. Ayon sa report, dakong alas-2:00 ng hapon, nagtungo sa nasabing falls ang biktima kasama ang apat na kaibigang babae at tatlong lalaki para sa school thesis Subalit dakong alas-3:00 ng hapon, habang ang biktima at isang kasama na si Jhunel Singca ay nasa ilalim mismo ng falls nang biglang rumagasa ang malaking agos ng tubig. Bunsod…
Read MoreRIDER SUMALPOK SA PADER PATAY
HINDI na naisalba ang buhay ng isang lalaking rider nang bumangga sa kongkretong pader sa southbound lane ng tulay ng Zamora Interlink sa Barangay 865, Pandacan, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Wilbert Chan, nasa hustong gulang, ng Ducos St., Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Staff Sargent Allen Christian Camangon na isinumite kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 1:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Ayon sa impormasyong nakarating kay Police Master Sargent Maximo Yabut mula…
Read MoreTOP 3 MOST WANTED SA MAYNILA, NABUSLO
NAHULOG sa kamay ng mga operatiba ng Manila Police District- Sampaloc Police Station ang isang lalaki na may kasong qualified theft through falsification of commercial document, sa bisa ng warrant of arrest sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng umaga. “You can run but you can’t hide,” ito ang mariing ipinahayag ni Police Lieutenant Colonel Paul Jady Doles, commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station. Nabatid na hindi na nakapalag ang suspek na si alyas “Itoh”, nasa hustong gulang, nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest. Ayon kay…
Read MoreRap battle pinersonal TEENAGER ITINUMBA SA LAMAYAN
SUNOD na paglalamayan ang isang lalaking teenager makaraang barilin ng dalawang suspek sa isang burol dahil umano sa hidwaan sa rap battle noong Huwebes ng madaling-araw sa Caloocan City. Isang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Jecjec Ramos, 18, binaril at napatay sa Brgy. 153, Bagong Barrio, Caloocan, ng lungsod dakong alas-3:00 ng madaling araw habang mabilis namang nakatakas ang dalawang hindi kilalang mga suspek. Nabatid na dalawang lalaking nakaitim na t-shirt ang pumunta sa isang lamayan, at sinundan ito ng komosyon nang may lalaking bumulagta sa kalsada.…
Read MorePresident Marcos lauds Balik Scientist contributions to national development in the 8th BSP Convention
President Ferdinand R. Marcos, Jr. recognized Balik Scientists and their respective host institutions during the 8th Annual Balik Scientist Program (BSP) Convention hosted by the Department of Science and Technology (DOST) held on 14 October 2022 at the Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City. “As we all know, the world we live in has become more and more dependent on technology. We live more and more of our lives in the digital world. We have been confronted by a pandemic that again look to science for solutions, for vaccines…
Read MoreTRUCK AT TRIKE DRIVER HULI SA BOGA, DROGA
RIZAL – Arestado ang isang truck driver at tricycle driver makaraang makumpiskahan ng 80.3 gramo ng umano’y shabu at baril sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Binangonan, sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Roland Fedillaga, truck driver, at Romie Espinosa, tricycle driver, residente ng Brgy. Sto. Niño, at Brgy. Biliran sa nabanggit na bayan. Nabatid na nagsagawa ng operasyon laban sa ilegal na droga ang grupo ni P/Lt. Gady Mabanto ng Drug Enforcement Team, na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek kahapon ng umaga. Nakuha sa…
Read MoreDATING PULIS TODAS SA PAMAMARIL SA TAYABAS
TAYABAS CITY – Patay ang isang dating pulis matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. San Isidro, Zone 1 sa lungsod na ito, noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Kim Palanca Labado, 36, dating miyembro PNP at nakatalaga sa Tayabas City Police Station. Batay sa report ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang suspek at bigla na lamang itong pinagbabaril gamit ang maiksing kalibre ng baril dakong alas-2:00 ng madaling araw. Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang…
Read More