PANDEMIC RECOVERY AT PAGTULONG SA MAHIHIRAP PATULOY NA TUTUTUKAN NG ACT-CIS

ALINSUNOD sa plano ng papasok na administrasyon ni Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., mga panukalang batas para makabangon sa pandemya ang unang isusulong ng ACT-CIS, sa pagbubukas muli ng Kongreso sa Hulyo.

Ayon kay ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, “patuloy pa rin naman ang pandemya sa buong mundo pero tuloy pa rin ang buhay ngunit dapat mag-ingat pa rin”.

“Kailangan natin ng mga batas tulad ng mga ayuda sa hindi makapasok sa trabaho ng ilang araw dahil sa virus at pagpapagamot o masusing pag-aaral doon sa mga kababayan natin na patuloy na may Covid sa katawan ngunit hindi naman na nakakahawa,” ani Tulfo.

Para naman kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, ang dagdag na cash ayuda para sa matatanda at Persons With Disability (PWD) ay kailangan nang isulong.

“Sa nagtataasang bilihin ngayon, wala nang mabili ang P500 to P1,000 na monthly cash assistance para sa kanila,” ani Yap.

Dagdag ng papasok na kongresista, “kailangan nang dagdagan ang kanilang allowance”.

Pangako naman ni Tulfo, “tatrabahuhin ng aming grupo ang mga panukalang batas na ito and we will do our best na maibigay sa kanila ‘yan sa lalong madaling panahon.”

155

Related posts

Leave a Comment