TUMATAGINTING na P60.15 bilyon ang ipinasok na pondo ng Bureau of Customs (BOC) para sa unang tatlong buwan pa lang ng kasalukuyang taon sa pagpapatuloy ng pinaigting na programa kontra fuel smuggling. Sa pahayag ng BOC, ang nasabing halaga ay katumbas ng buwis at taripang nalikom mula sa 4.724 milyong litro ng mga produktong petrolyong inangkat ng 28 kumpanya ng langis para sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso sa ilalim ng umiiral na Fuel Marking Program ng nasabing kawanihan. Sa datos ng ahensya, pumalo na sa 39.316 bilyong…
Read MoreAuthor: admin 2
LIBRENG SPEEDBOATS, BIGAY NG BOC SA PNP
DALAWANG bangkang de motor ang inihandog kamakailan ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga sa Philippine National Police (PNP) na katuwang ng kawanihan sa pagbabantay ng mga karagatan sa katimugan kung saan karaniwang ibinabagsak ng mga piratang dagat at smugglers ang mga kontrabandong pilit na ipinupuslit sa bansa ng mga smuggling syndicates. Sa ginanap na pagtitipon ng BOC-POZ kasama ang mga stakeholders, pormal na isinalin sa pangangalaga ng PNP Maritime Group ang Deed of Donation na nilagdaan nina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at PNP chief General Dionardo Carlos…
Read MoreOPISYAL AT KAWANI, HUHUBUGIN SA CUSTOMS TRAINING INSTITUTE
BUKOD sa modernisadong pasilidad, higit na angkop ang pagkakaroon ng mga mahusay, masigasig at tapat na kawani ang Bureau of Customs (BOC), ayon kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Sa pagpapasinaya ng BOC Customs Training Institute (CTI) facility sa ikalawang palapag ng Citadel Building, sa kahabaan ng 21st Street, Port Area, sa lungsod ng Maynila, ibinida rin ni Atty. Noemi Garcia na tumatayong Chancellor ng nasabing pasilidad, ang buting dulot ng pagsasanay ng mga kawani – at maging ang mga susunod na henerasyon ng mga opisyal ng nasabing ahensyang dating kilala…
Read MoreKASONG SMUGGLING KONTRA 2 IMPORTER
DALAWA pang kumpanya ang sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong smuggling sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga kargamentong ipinasok sa Cagayan de Oro at Subic nito lamang nakalipas na anim na buwan. Sa kalatas ng BOC, unang kinasuhan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ang UHE Trading na nagtangkang magpuslit sa bansa ng 900 master cases ng sigarilyo sa Port of Cagayan de Oro nitong Enero 18, 2022. Bukod sa kasong kriminal, kabilang rin sa asuntong kinakaharap ng UHE Trading ang paglabag sa Republic Act…
Read MorePITMASTER FOUNDATION TUMUTULONG SA ‘AGATON VICTIMS’
SA tuwing may tumatamang kalamidad sa Pilipinas, asahan na ang matinding epekto nito. Maraming pinsala ang inaabot ng iba’t ibang sektor. Ang pinakahuling tumama sa bansa ay ang bagyong Agaton. Dumarami ang mga kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao. Sabi nga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 200 na ang death toll (172). Nasa 156 sa Eastern Visayas, 11 sa Western Visayas, tatlo sa Davao Region at dalawa naman sa Central Visayas. Ang nakakapangilabot, may 110 pang napaulat na nawawala at patuloy…
Read MoreWARRIORS BINOKYA NUGGETS
MULING inilampaso ng Golden State Warriors ang Denver Nuggets, 126-106, sa Chase Center sa San Francisco (Martes sa Manila) para sa 2-0 lead sa opening round playoff series. Bukod sa pagdomina sa laro, nagawang pag-awayin ng Warriors ang Nuggets, nang habang timeout sa kalagitnaan ng Game 2 at angat ang Warriors ng 10 ay tinalunan ni Will Barton sa mukha si DeMarcus Cousins habang naglalakad pabalik sa bench. Kinailangang paghiwalayin ang dalawang player habang patuloy ang pambubuska sa isa’t isa. Lumaban ang Nuggets at nagawa pang umabante ng 12 points…
Read MorePOEA NABIKTIMA NG FAKE NEWS
MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Nabiktima ng “fake news” ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos kumalat sa social media ang diumano’y lifting ng suspensyon sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia. Nilagdaan diumano ni POEA administrator Bernard Olalia ang Advisory No. 69, series of 2022 na may petsang April 4, 2022. Nakasaad sa diumano’y POEA advisory ang pag-alis ng suspensyon sa deployment ng OFWs kasunod ng clarification at assurance ng gobyerno ng Saudi Arabia thru the Royal Embassy of Kingdom of Saudi…
Read MorePATROL SA MGA HIGHWAY
PARANG nakawala sa koral ang marami nating kababayan nitong nakaraang Semana Santa o Holy Week, na nagsipagtunguhan sa mga probinsiya, lalo na sa mga may baybaying dagat. Ito Ang Totoo: tuwing Semana Santa naman talaga ay gawi ng mga Pinoy na magsipag-uwian sa mga kamag-anak sa probinsiya at iyong iba ay dala ang buong pamilya na mula sa kalunsuran tungo sa kanayunan. Maging ang mga nasa probinsiya na ay magsisipunta pa sa resorts o kahit na anong mapapasyalan sa paligid ng kanilang kabayanan. Ito Ang Totoo: tuwing Semana Santa ay…
Read MoreSTATE U FRANCHISE FOR TV AND RADIO, NILAGDAAN NI PRRD
PINAPURIHAN ng mga taga Timog Katagalugan ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagkakaloob ng bagong prangkisa para sa TV at Radio station sa naturang lugar. Kamakailan lang kasi nilagdaan ni President Rodrigo Roa Duterte ang House Bill No. 10122, na inakda nina Quezon 4th District Rep. Angelina ”Helen” Tan at Rep. Wilfrido Mark Enverga ng 1st District ng Quezon, na nagbibigay ng prangkisa para sa radyo at telebisyon ng Southern Luzon State University (SLSU) sa loob ng 25 taon. Isinasaad sa nilagdaang Republic Act No. 11680 ni Duterte na…” An Act…
Read More