PINUNTIRYA ng sisi ng isang kongresista ang Department of Justice (DOJ) sa kabiguan ng pamahalaang pigilan at panagutin ang mga malalaking sindikato sa likod ng agricultural smuggling sa bansa. Sa pagdinig ng Kamara, hayagang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na malabnaw ang suporta ng DOJ sa kampanya kontra smuggling. Patunay pa aniya nito ay ang kabiguan ng nasabing kagawaran na gamitin ang kakayahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng naturang departamento sa pag-iimbestiga, pagtukoy at karampatang pagsasampa ng kasong kriminal batay sa mga…
Read MoreAuthor: admin 2
Kasamang inireklamo sa Ombudsman BELMONTE KALADKAD SA MODUS NG QC EXEC
PINAG-APPLY, pinagtrabaho pero hindi pala isinama sa talaan ng mga empleyado kaya hindi nakasweldo. Ito ang nakapanlulumong karanasan ng mga residenteng hinimok magtrabaho para sa pamahalaang lungsod ng local government official noong kasagsagan ng pandemya. Sa kasong inihain sa Office of the Ombudsman nina Ma. Lisle Guevarra ng Barangay Duyan-duyan at Eleanor Torralba ng Barangay Central, partikular na tinukoy ng mga nagreklamo ang nagpakilalang chairman ng Quezon City Against Corruption na si John Paul Orate kaugnay ng samu’t saring alegasyon ng katiwalian kabilang ang pambuburiki ng mga natanggap na relief…
Read MoreKERWIN ESPINOSA INILIPAT SA TAGUIG JAIL
MAKARAANG makumpleto ang mga dokumento na isinumite sa korte, inilipat na sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang umaming ‘drug dealer’ na si Kerwin Espinosa mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention jail sa Taft Avenue, Ermita Manila.Ayon kay Department of Justice Prosecutor General Benedicto Malcontento, noon pang nakaraang linggo nailipat si Espinosa sa Taguig jail na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).Lahat ng mga mosyon na nagbibigay ng awtorisasyon sa paglipat ni Espinosa ay naisampa na sa lahat ng korte kung saan may…
Read MoreP10-M AYUDA NG CHINESE GOV’T SA ‘AGATON’ VICTIMS
NAGPAABOT ng tulong pinansyal ang gobyerno ng China sa Pilipinas para sa mga kababayan nating sinalanta ng Bagyong Agaton. Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, napagdesisyunan ng Chinese government na magbigay ng $200,000 o may katumbas na P10.2 million sa bansa upang suportahan ang disaster relief efforts ng pamahalaan para sa mga kababayan nating lubhang nasalanta ng kalamidad. “Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by tropical storm Agaton,” ani Chinese President Xi Jinping. Ito aniya ang paraan nina Chinese President Xi…
Read MoreMARCOS SUPORTADO NG 15 SA 24 MAYORS SA BULACAN
HALOS tiyak na ang panalo ni presidential bet at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas, at vice-presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte sa Bulacan makaraang maglabas ng kalatas ng suporta ang 15 sa 24 na alkalde sa nasabing lalawigan pagsapit na pinananabikang halalan sa Mayo. Ayon kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr., tumatayong pangulo ng League of Municipalities sa lalawigan ng Bulacan, 15 sa hanay ng mga alkalde ang lumagda sa isang manifesto kung saan inilahad ang kanilang suporta sa tambalang BBM-Sara. Bukod…
Read MoreYAOKASIN-CHUA, BBM-SARA, TINGOG SA TACLOBAN CITY — SURVEY
PIPILIIN ng mga botante sa Lungsod ng Tacloban ang mga sumusunod na kandidato kung gaganapin ang halalan ngayon, ayon isinagawa ng HKPH-Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong: Jerry “Sambo” Yaokasin (Mayor), Edwin Chua (Vice Mayor), Bongbong Marcos (President), Sara Duterte (Vice President), at Tingog (Partylist). Nakatanggap ng 68 porsyento ng boto si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., habang ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay tumanggap ng 60 porsiyentong suporta. Ayon sa “Pulso ng Bayan:…
Read MoreDRIVER, TEACHER PATAY SA DUMP TRUCK
TAYABAS CITY – Patay ang driver ng tricycle at isang pasahero nito na isang teacher nang ang kanilang sasakyan ay salpukin ng isang dump truck sa lungsod na ito, noong Lunes ng umaga. Dead on the spot ang driver na si Abner Pabellano, residente ng Silangang Palale, matapos ay magulungan ng huling gulong ng truck. Nalagutan naman ng hininga bago pa mairating sa hospital ang teacher na si Hannah Shane De Ocampo na isa sa mga pasahero ng tricycle. Batay sa report ng Tayabas City police, dakong alas-7:00 ng umaga, tinatahak ng…
Read MoreREGIONAL HVI TIMBOG SA PNP BICOL
TIMBOG sa drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Labo MPS at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit ang isang regional recalibrated data base on illegal drugs high value individual sa P-3, Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte. Ayon sa report mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang arestado na si Ma. Laura Salvador y Valeros 46, residente ng Brgy. 1, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska ng mga operatiba mula sa suspek ang 11.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P77,500 ang street value. “Ang laban sa droga ay laban ng…
Read MoreSCAM ALERT, HIRIT NG BOC
MULING naglabas ng isang scam alert ang Bureau of Customs (BOC) bunsod ng kabi-kabilang sumbong hinggil sa mga indibidwal na umano’y nagpapanggap na kawani o “malakas” sa ahensya, kasabay ng pangakong milyong kita sa paglabas ng mga naipit na kargamento. Sa kalatas ng BOC, partikular na tinukoy ng ahensya ang mga negosyante bilang target ng umano’y mga notoryus na grupong nag-ooperate gamit ang social media. Paglilinaw ng kawanihan, walang sinumang itinalaga para makipagtransaksyon gamit ang BOC, kasabay ng giit na 82% ng kanilang operasyon ay automated transactions at ‘di kailangan…
Read More