Sa gitna ng banta ng Omicron variant ALERT LEVEL 2 HANGGANG DEC. 31

MANANATILI sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa simula Disyembre 16 hanggang Disyembre 31. Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na panatilihin sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa. Kasama rin sa pinagtibay ng IATF ang pagpapahintulot ng makapagbukas ang mga sabungan sa gitna ng pagpapatuloy ng Alert Level 2. Pero pagbibigay diin ni Nograles, 50% maximum capacity lang ang papayagan at ang mga pupunta ng sabungan ay dapat fully vaccinated.…

Read More

95% NG PRIVATE WORKERS BAKUNADO NA

IBINIDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nabakunahan na kontra COVID-19 ang halos lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa bansa. “At the company level, about 95% of workers have already been vaccinated, based on our consultations with a number of partner private sector employers,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Base naman sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Disyembre 13, umabot na sa 32.3 milyon na kabilang sa A4 category ang nabakunahan ng kanilang una o ikalawang dose. “This would mean that about…

Read More

CALOOCAN PINARANGALAN SA 100% VACCINATION

PINARANGALAN ng Department of Health – National Capital Region ang Lungsod ng Caloocan sa mahusay na pagkamit ng 100% target vaccination sa kanilang populasyon kontra COVID-19. Iginawad kay Mayor Oscar Malapitan ng mga kinatawan mula sa DOH-NCR, sa pangunguna nina Regional Director Gloria J. Balboa at Local Health Support Division chief, Dr. Amelia C. Medina, ang ‘Certificate of Recognition’ para sa lungsod ng Caloocan. Samantala, binigyang-parangal din ang Caloocan City Health Department sa kanilang natatanging pakikiisa at pangunguna sa pagbabakuna sa lungsod. Kinilala rin si Malapitan sa kanyang pag-alalay sa pakikiisa…

Read More

TOP 1 MOST WANTED SA MURDER, NAKORNER

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at National Capital Regional Police Office ang isang 43-anyos na top 1 most wanted person, district level, sa kasong murder makaraang mamataan noong Martes ng gabi sa Sampaloc, Manila. Kinilala ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Augusto Raul Flores y Viñas, alyas “Ogie”, jobless, may asawa, ng #844 Antipolo St., Barangay 521, Zone 52, Sampaloc, Manila. Batay sa ulat nina P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, P/Major Edward Samonte ng Special Mayor’s Reaction…

Read More

#BrigadangAyala Kaakay PATAS NA PRESYO NG GULAY HATID SA MAGSASAKA NG BENGUET

KAHIT nasa gitna ng pandemya, itinuloy ng dating car sales agents ng Ayala-led AC industrials na sina Mike Carlos at William Coloma ang matagal na nilang pangarap na makapagtayo ng sariling negosyo. “Nakita naming maraming gulay ang nasisira. Kapag hindi na kayang kunin ng mga middlemen, natatambak na lang doon at nabubulok. Sayang, dahil marami dito sa Metro Manila ang nagugutom o hindi nakakatikim ng sariwa at masustansiyang pagkain,” ani Carlos. Sa mga magsasaka direktang bumibili ng gulay sina Carlos at Coloma. Dahil dito, hindi na nila kailangang umasa pa…

Read More

PAGKUKUBLI NG PANGALAN

BAGAMAT nakalulugod ang bawat tagumpay ng operasyon kontra smuggling, lubha namang nakakapagtaka ang ginagawang pagkukubli ng pagkakakilanlan ng mga arestadong claimants ng mga kontrabandong nabulilyaso ng Bureau of Customs (BOC). Sa isang liham na ipinadala ng isang masugid na mambabasa ng pahinang Aduana Spotlight ng pahayagang SAKSI NGAYON, itinanong ng isang mapanuring netizen ang aniya’y hindi pangkaraniwang kalakaran kaugnay ng mga claimants ng mga illegal parcels na nadakip sa mga controlled delivery operations ng kawanihan. Kabilang sa mga tinukoy ng ating masugid na mambabasa ang pagkakasabat ng smuggled na gagambang…

Read More

DAMO AT AMO SILAT SA CLARK

HINDI nasayang ang sala­ping pinag-ukulan ng gob­yerno sa mga makabagong x-ray machines na minsan pang napatunayang epektibo sa kampanya ng gob­yerno kontra droga. Patunay nito ang pagkasabat ng bulto-bultong high-grade marijuana na nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark, Pampanga kamakailan. Sa isang kalatas ng Port of Clark, 15 pakete ng high-grade marijuana na nadiskubre sa isang bagaheng lumapag sa kanilang pasilidad mula sa Washington sa Estados Unidos nito lamang nakalipas na Lunes. Anila, nabisto ang iligal na epektos makaraang isailalim ang paketeng idineklarang kobrekama sa x-ray scanning na…

Read More

PUBLIKO BINALAAN KONTRA COSMETIC PRODUCTS MULA CHINA

INALERTO ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa panganib na dala umano ng 15 cosmetic products mula sa bansang China at Pakistan na kumakalat sa merkado. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ng grupo ang 15 iba’t ibang klase ng mga facial cream na lantarang binebenta sa halagang P100 hanggang P250 bawat isa sa mga establisimyento sa mga lungsod ng Maynila, Parañaque at Pasay. Anila, nagtataglay ng mapaminsalang kemikal na mercury ang mga nasabing produkto. “We did our latest test purchase to draw attention to the urgency of effectively enforcing…

Read More

Walang lumahok na bidders 5 LUXURY CARS DI NAISUBASTA NI ANGEL F. JOSE

TALIWAS sa inaasahan, hindi nagawang perahin sa itinakdang araw ng public auction ng Bureau of Customs (BOC) ang limang kumpis­kadong luxury vehicles na pinaniniwalaang iligal na ipinuslit sa bansa – ang dahilan, walang sumipot na bidder. Gayunpaman, kumpiyansa ang pamunuan ng BOC na madi-dispatsa ng kanilang ahensya ang limang mamahaling sasakyang inaasahang magbibigay ng dagdag pana­nalapi sa gobyerno para ipantustos sa COVID-19 pandemic response. Kabilang sa mga sinusubastang sasakyan ng kawanihan ang 2008 Ferrari Scuderia 430 (P23.23M), 2001 Porsche Boxster (P1.79M) at tatlong Mercedes Benz – 2011 E220 (P1.49M), 2001…

Read More